Chapter 49

220K 7.2K 1.3K
                                    

Thanks domingomilyn :)



Chapter 49


Hindi na muli kami nag usap ni Tristan tungkol sa kanyang nakaraan, kahit ako ay hindi ko na maatim na magtanong pa. Ayokong ibalik pa sa alaala niya ang pinaghirapan niya ng mga taong magkahiwalay kami, ayokong maalala pa niya ang bagay na kailanman ay hindi ko akalaing mararanasan ng lalaking pinakamamahal ko.

Kasalukuyan na niya akong hinahatid pauwi ng bahay, kanina pang walang nagsasalita sa aming dalawa. Kahit ako ay hindi makaisip ng bagay na pwedeng pag usapan, pakiramdam ko ay napagod ako sa lahat ng mga nalaman ko. May matino bang babae na magkakaroon pa ng lakas kapag nalaman mo na ang lalaking mahal mo ay pinahirapan at muntik nang umabot sa kamatayan? Damn.

Gusto ko man buksan sa kanya ang ideya na iwan niya ang trabahong ikapapahamak ng buhay niya ay hindi ko magawa, pagtatalunan lamang namin ang bagay na ito.



"So, what are your plans Tristan?" tanong ko sa kanya. Naramdaman kong sumulyap siya sa akin bago siya muling humarap sa minamaneho niya.



"Plans like?" tanong na pabalik niya sa akin.



"To us Tristan" maiksing sagot ko.



"I told you to marry me, magpapakita ako sa magulang mo" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Sigurado ba siya sa sinasabi niya?



"That easy?! Saglit lang Ferell" namamanghang sabi ko sa kanya. Hindi ba parang hindi tama na alam kong buhay siya kung ang pamilya niya naman ay hindi alam? Bakit ako lang ang pinakikitaan niya ngayon? What about his family?



"What about your family Tristan? Do you have plans to aware them?" tanong ko sa kanya.



"I don't know. Hindi ko pa alam, pero nakakausap ko na si Nero" muling nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.



"Kailan pa?"



"This week lang" siguro ito 'yong mga panahong nagpapadala siya sa akin ng banana. Haist.



"What about the others? Wala ka bang balak magpakita sa kanila? Namimili ka pala ng pinsan, you like Nero a lot huh?" ngising sabi ko para mapagaan ang usapan. Nakita ko ang bahagyang pagngiwi ni Tristan sa sinabi ko.



"Pinakitaan ko na siya noon Lina, akala ko alam na niyang buhay ako. Pero pinagkamalan pa din akong multo ng gago" dito na ako tuluyang napatawa sa sinabi ni Tristan.



"Seriously? Parang tanga lang" natatawang sabi ko.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon