Chapter 52

228K 7.6K 1.3K
                                    

SPG alert.


Chapter 52


Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at nang makumpirma kong hindi ako bumagsak sa lupa. Napakagat labi na lang ako at mabilis kong pinaghahampas ang dibdib ng lalaking may buhat sa akin.


"I hate you! I hate you! May hot air balloon ka pa na nalalaman, hindi mo ba alam na babagyo ngayon?! Did you even check the weather forecast? Look what happened to us?" halos hindi ko na maintindihan ang tumutulo sa aking pisngi. Ang malakas na ulan ba mula sa kalangitan o ang mga luha ko dahil sa pagkainis?

Sobrang lakas na din ng hangin, pakiramdam ko ba ay matutumba na sa amin ang nagtatayugang mga punong ito.


"They sabotage me baby.." pangangatwiran niya sa akin. Siguro ay masama ang ugali niya sa mga tauhan niya kaya siya sinasabotahe.


"Ibaba mo ako! Ibaba mo ako!" halos magsisigaw na ako sa kanya. God! Hindi biro ang taas ng babagsakan ko, mabuti siya at sanay siya sa ganito. Papaano ako?

Dahil mukhang ayaw naman niyang makipagtalo sa akin ay ibinaba niya na lang ako ng tahimik.


"What now? Nasaan na tayo Tristan? Basang basa na tayo, saan tayo pwedeng sumilong?" halos mairita pa ako nang may dahon na dumikit sa aking mukha. Patindi na nang patindi ang paglakas ng ulan.

Pero lalo yatang kumulo ang dugo ko nang makitang nakapaywang lang si Tristan sa akin habang may ngising nakakaloko. Iba na naman yata ang tumatakbo sa utak niya.


"Lina.." alam ko ang mga ganitong tawag ni Tristan Ferell. Damn.

May iba't ibang klase ng pagtawag si Tristan sa pangalan ko, may seryosong tono, iritadong tono, nagbibirong tono, tonong nasa tamang pag iisip at ang pinaka madalas kong naririnig mula sa kanya ay ang mahalay na tono. Katulad ngayon, tawag pa lang niya sa pangalan ko ay alam ko na ang gusto niyang mangyari.


"Hindi, nasaan ang daan palabas ng gubat na ito? Umuwi na tayo" madiing sabi ko.


"I don't know.." matabang na sagot niya. What the fvck? Hindi niya ba alam na nilalamig na ako?


"Tristan, hindi na ako nakikipagbiruan sa'yo. Hindi ka ba natatakot? Baka mabagsakan tayo ng mga puno dito! Kumukulog at kumikidlat pa! Mas lalo tayong mahihirapan na makalabas dito kapag inabot tayo ng gabi" pilit kong isinumping ang buhok kong basang basa na. Kahit malalaki ang puno dito ay hindi man lang nito maharang ang malalakas na patak ng ulan.

Sa halip na sumagot sa akin ay nanlaki na lang ang aking mga mata nang hantaran niyang hubadin ang kanyang maroon na polo shirt at basta na lang ito inihagis sa damuhan. What the fvck? Is he a goddamn serious?

Hindi ko maiwasang hindi mapalunok nang ilang beses habang binabasa ng ulan ang magandang katawan niya. Fvck. Nang nagsisimula na siyang humakbang papalapit sa akin ay nagsimula na rin akong umatras.


"Ayoko Tristan! Bahala ka sa buhay mo! We can't do it here for pete sake! Bumabagyo na Tristan! Baka tamaan tayo ng kulog at kidlat" hindi niya ako pinansin at pinagpatuloy niya ang paghakbang papalapit sa akin habang hinuhubad niya ang kanyang belt. Oh damn.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon