Chapter 7

289K 10.7K 2.1K
                                    

Chapter 7


Nasa harap na kami ng simbahan kasama si mommy, daddy at kuya. Nakahanda na rin ang iba pang mga abay na babae sa labas, maging ang bride na kasalukuyang kinakausap na ng wedding coordinator.


"Lina anak, pupunta na kami sa loob" pagpapaalam sa akin ni mommy. Bakit ba ang lakas ng kabang nararamdaman ko? Baka bigla na lang magpakita dito si Tristan. Seryoso kaya siya sa sinabi niya kagabi? Ano naman ang gagawin niya dito? He's not invited. Damn.


"Mom, wait" mabilis kong hinila ang kamay ni mommy.


"What? Titingnan mo na naman ang invitation? Sasaulihin mo ba ang mga pangalan diyan anak?" nauna nang pumasok sa loob si daddy at kuya habang si mommy ay naiwang nalilito sa mga ikinikilos ko. Pilit kong binabasa ang invitation kung may pangalang 'Ferell' dito, pero kahit ilang beses ko itong basahin ay wala akong makitang 'Ferell'

Ano nga ang nababalitaan ko tungkol sa mga Ferell? Yes, they are famous gate crashers. Pinagbantaan na rin ako ni Tristan tungkol dito. Ang kaibigan ko na rin si Florence mismo ang nagkumpirma sa akin na kalat sa buong GyroNella ang talamak na panggagate crash ng mga Ferell. Ilang mga birthday party, kasalan, binyagan at piyestahan na daw ang kanilang mga dinaluhan na hindi naman sila imbitado. What the fuck? Bakit kaya sila mga ganito?


"Okay, your position ladies" pumalakpak ang baklang coordinator. Pumosisyon na kaming mga babaeng abay.

Lumingon ako sa likuran ko para ngumiti sa babaeng ikakasal ngayon. Isa siya sa mga pinsan ko na maagang nahumaling sa pag ibig. I'm happy for her.


"Congratulation, Lyka" ngumisi siya sa akin bilang sagot niya.


"Nasaan na ang bestman?!" sigaw ng coordinator na nakapamaywang. Ito na nga ba ang sinasabi ko, masama na ang kutob ko dito. Sana walang Ferell na magpakita. Damn.


"Sorry, I'm late" Shit. May sinasabi ba ako? Agad nagtatambol ang dibdib ko nang marinig ang boses ni Tristan Ferell. Fuck. Hindi siya ang bestman!


"Ikaw ang proxy ni David?" mabilis na tanong ni Lyka sa kadarating na Tristan Ferell na wagas ang ngiti sa harap ng mga babaeng humanga sa kanya ngayon. Fuck.


"Yes? Tama pala ang sabi ni David, ang ganda mo Miss Lyka. Best wishes" marahang hinagip ni Tristan ang kamay ng pinsan ko at hinalikan niya ito. Halos mag iritan ang mga abay sa ginawa niya. What the hell? Baka masuntok siya ng groom sa ginagawa niya.

Hindi rin nakaligtas sa aking mga mata ang apat na Ferell na nagsisimula na rin pumasok sa simbahan. Nakita kong may dala dalang mga camera si Troy at Owen na aakalaing mga cameraman ng kasal, habang si Nero at Aldus naman ay parehong nakaputi na pagkakamalang mga lay minister dahil sa dala ng mga itong kulay berdeng tela na may tangkay na siyang ginagamit sa pagkolekta ng coins kapag may misa.

Seriously? Anong ginagawa nilang lima dito? Manggugulo din ba sila kagaya ng panggugulo nila sa mga kasal at iba't ibang okasyong dinaluhan nila?


Nagsimula nang lumakad ang mga lalaking abay. Unang lumakad ang groom kasama ang mga magulang nito. Sumunod ang bestman na nakapagpakunot sa noo ng ilang mga bisita, malamang sino nga naman ang lalaking 'yan? At para hindi naman siya mapahiya sa mga tao, todo litrato sa kanya ang mga pekeng photographer na kasalukuyan nang humahara sa totoong mga photographer ng ikakasal. Dyosko, patawarin nyo po sila sa kanilang ginagawang mga kasalanan.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon