Chapter 19

263K 8.5K 1.4K
                                    

Thanks @DhaneStrong :)


Chapter 19


Nanatili kami ni Florence nanunuod sa malatrahedyang kaganapan sa buhay ng mga Ferell. Isa lang ang masasabi ko sa lahat ng maaarte ay sila na yata ang nakita kong pinakamaaarte. Kung hindi ko lang nasasagap ang mga balita tungkol sa talamak nilang pagpapalit palit ng mga babae ay aakalain ko silang mga bakla na hindi pa lang lumalantad.

Kasalukuyan nang umiinom ng tubig si Owen at Nero habang si Tristan naman ay mura ng mura ka Troy dahil sa ginawa nitong paghead butt sa kanya. Samantalang si Troy naman ay natulala na dahil sa ginawang pag CPR sa kanya ni Tristan.



"Tang ina, pag nalunod ako Tristan. Pabayaan mo na lang ako" natatawang sabi ni Owen habang inaabot ang kamay ni Tristan na nakaupo pa rin habang hawak ang kanyang noo.

Kinulbit ako ni Florence at sinenyasan na muli na lang maupo para hindi na kami mahirapan sa panunuod sa madramang buhay ng mga Ferell.



"Basta hindi ako malulunod" kumento naman ni Nero na parang sinasadyang paringgan ang nanlulumong si Troy.



"Troy! Umayos ka dyan. Gago! ikaw na ang tinulungan, ang tigas ng ulo mo!" iritadong sabi ni Tristan na hawak pa rin ang noo. Marahas tumayo si Troy at halos mapatawa na lang kami ni Florence nang mag walk out ito na hindi man lang pinapansin ang pagtawag ng kanyang mga pinsan.



"Rock n roll! Nagwalk out ang virgin! Tang ina" tawa ng tawa si Owen bago siya bumalik sa lamesa at sinimulan na ulit kumain. Ganun din si Tristan at Nero na mabilis tumabi sa amin ni Florence.



"Patay kayo kay LG" agad na sabi ni Nero.



"Bakit nalunod ang isang 'yon? Marunong naman maglangoy. Tanga lang" muli na namang tumawa si Owen.



"Pinagtatawanan mo pa ang nalunod mong pinsan Owen? Kung ikaw kaya ang malunod?" biglang sabi ni Florence na nakapagpatahimik ka Owen.



"Sorry, my bad Wada. Hindi na po mauulit" nakita kong kumindat pa siya kay Florence nang hindi nakatingin si Nero.



"Lina, sa tingin mo ba ay papayagan ka ni Tito at Tita na dito na matulog? Mukhang gagabihin tayo sa biyahe kapag umalis pa tayo. I can talk to them" tumango na lang ako sa sinabi ni Florence. Dahil kung ako pa ang magpapaalam kay mommy at daddy ay kumontra lamang ang kapatid kong mainit ang dug okay Tristan Ferell.



"You'll sleep here?" malisyosong bulong sa akin ni Tristan na mukhang may binabalak na namang hindi maganda.



"Sa tabi ni Florence" mabilis na sagot ko sa kanya.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon