Chapter 69

183K 6.1K 458
                                    

Chapter 69



Hindi ko alam ang gagawin sa sitwasyon ito, kung may lakas lamang ako ay nabuhat ko na si Tristan para tumakas na kami sa lugar na ito. Pero alam ko sa sarili kong ang dalawang ito na lamang ang mga taong maaari naming hingan ng tulong sa mga oras na ito.

Yes, Sous L'eau is the best option to ask help. Pero alam kong kasalukuyan pa rin nakikipaglaban ang karamihan sa kanila sa lugar na iniwan namin. Worst, baka naubos na sila dahil sa kaunting bilang nila.

Napapahanga ako sa sindikatong hinahawakan ni Gray, alam nilang mahina sa bansang ito ang ahensya namin at mukhang tama nga ang sinabi ni Tristan. Everthing was a trap, si Papa mismo ang gusto nilang pumunta dito. Kung ganoon alam na rin kaya ng mga sindikatong ito na anak ako ng commander ng Sous L'eau? O tanging si Tristan lamang ang inaakala nilang ginawa nilang paen?

Pero sinabi sa akin ni Gray na tanging siya lamang ang nakakaalam ng aking pagkatao. Dapat ko pa ba siyang pagkatiwalaan? Kung hindi dumating si Savannah, malamang ay may masama nang nangyari sa akin.



Gusto ko man tumakbo at iligtas ang sarili naming mga buhay ay imposibleng mangyari sa pagkakataong ito. We're both helpless right now. At ang magmagaling sa mga oras na ito ang siyang papatay sa aming dalawa ni Tristan. I need these two, kahit labag sa aking kalooban.

Nanatili lamang akong nakatitig kay Savannah at Gray. Nakahawak pa rin ang dalawang kamay ni Savannah sa kanyang baril habang si Gray ay hindi man lang natatakot sa nguso nito.



"Fuck you Gray!" sa halip na baril ang makapagpatumba kay Gray ay malakas sinipa ni Savannah ang pagkalalaki nito.



"What the fuck Savannah?!" kasalukuyan nang pagulong gulong sa sahig si Gray sa dahil sa ginawa ni Savannah sa kanya. Serves him right. Kung ako ang nasa katayuan ni Savannah baka hindi ko lang sipain baka ibinato ko pa dito ang kauna unahang flower vase na makikita ko. He almost raped me!

Iritado kong inayos ang damit ko at pilit koi tong ibinubuhol. Ano na lang ang gagawin sa kanya ni Tristan kapag nalaman niya ang ginawa niyang ito sa akin? Tristan Ferell will definitely kill him in no time.



"May itinatanong ka sa akin kanina hindi ba? My answer is Yes. Yes Gray, I can kill you. I can kill your future dear friend, siguradong maraming namatay diyan. Don't worry, I am now a mistress. Marami akong kilalang pwedeng magdonate sa'yo ng sperms kung kinulang na 'yan" nakataas na kilay na sabi ni Savannah habang pinapaikot ikot niya ang baril sa kanyang hintuturo.

Nakatungo siya sa kanyang ilalim kung saan nasa pagitan ng mga binti niya si Gray na putlang putlang nakatitig din sa kanya.

I can't help but to admire her, she's so beautiful. At masasabi kong bulag ang taong hindi hahanga sa kagandahan niya. Damn.

Nagpalit na siya ng damit, kung kanina ay napaka eleganteng gown ang suot niya ngayon naman ay itim na leather suit na yumayakap sa magandang hakab ng katawan niya. Bahagya pang nakabukas ang hapit na jacket sa kanyang katawan na bahagyang nagpapakita ng malulusog niyang dibdib.

Bibitawan na sana ni Savannah ang kanyang baril sa mismong pagkalalaki ni Gray nang mabilis na itong nakalusot sa pagitan ng mga binti niya at ilang beses gumulong papalayo.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon