Chapter 10

276K 8.7K 1K
                                    

Chapter 10


Pagkarating namin sa bahay ni kuya ay nagdiretso na ako sa kwarto. Ayokong makita ako ng mga magulang ko na may namumugtong mga mata. Fuck. Agad akong sumampa sa aking kama at ibinaon ko na lang ang sarili ko sa mga unan.

Kaya pala nang sabihin ko kay Florence noon na kung pwede ay tumigil muna ako sa kanilang bahay dahil maaga kaming pinalabas ay mahigpit siyang tumanggi, bakit niya inililihim sa akin? Bakit niya ako pinagtataguan? Bakit kailangan niyang itago sa akin na kilala niya ang mga Ferell? Bakit kailangang gamitin pa ako ni Tristan kung sa umpisa pa lang ay gusto niya lang mas mapalapit kay Florence nang maprotektahan niya ito ng maayos? Pwede niya namang protektahan si Florence nang hindi ako ginagamit. Bakit kailangan pa akong idamay?


Nakarinig ako nang marahang katok mula sa pinto. Mabilis kong hinagip ang kumot at mas tinakluban ko ang aking sarili. Please, wag si mommy. Hindi ko alam kung papaano ako magpapaliwanag kung makita niya ang aking mga mata.


"Lina.." napaluwag ang aking paghinga nang marinig ko ang boses ng kuya ko.


"Gusto mo ba muna sa training ground little sis?" naramdaman kong ibinaba ni kuya ang kumot ko at nakangising mukha niya ang sumalubong sa akin.


"Lalong magtataka si mommy, maaga pa para matulog. You can try boxing or archery, your favourite" napaismid na lang ako sa sinabi niya. Bumangon na ako at marahan kong pinunasan ang basang pisngi ko.


"Kailan ko pa naging paborito ang pagtatraining? Minsan nga naiisip ko na sadyang tinuturuan nyo ako nito dahil sasabak ako sa giyera sa hinaharap" natatawang ginulo ni kuya ang buhok ko.


"It is just for your self defense, Lina. Anak ka ng dalawang pinagpipitagang mga abogado at maraming may nagbabanta sa buhay natin" napairap na lang ako. Ito na naman kami.


"Oh yes, alam ko na po 'yan" bumaba na ako sa kama at nakasunod na rin si kuya. Humarap muna ako sa salamin at ipinusod ko nang napakataas ang aking buhok. Matagal tagal na nang muli akong pumasok sa training ground na ilang beses ko nang isinumpa.

Bumaba na kami sa kwarto at nagdiretso kami sa pinakadulong parte nang aming napakalaking bahay kung saan makikita ang kwartong hindi aakalaing matatagpuan sa simpleng pamamahay na ito.


Minsan napapaisip na lang ako. Iba't ibang ako sa typical na mga babae na siyang pinapangarap ko. I want to be common and simple. Ano ba ang magagawa ko?

I am not a woman born with face powder, but woman with gunpowder.

Nang unang pagpasok ko sa lugar na ito ay talagang humanga ako, talagang pinasadya ito ni Daddy para sa amin dalawang magkapatid. Ang napakalaking training ground na ito ay napapalibutan nang mga salamin na siyang nagpapakita nang bawat kilos at galaw namin, may apat na kulay asul na punching bag na nakasabit, dalawang bag bundle at iba't iba pang mamahaling gym equipments. Exercise bike na siyang pinakamadaling gamitin, abdominal roller na pinakaayaw ko, iron set na minsan ko lang gamitin, dumbbell set na laging gamit ni kuya, treadmill na isa pa sa gusto ko, sit up bench madalas ko rin gamitin, weight bench at marami pang iba na hindi ko na babanggitin. May cabinet na punong puno ng iba't ibang boxing equipment. Katulad ng lagi naming ginagamit na hand wrap, boxing groves, head gears, punch mitts at speed rope. Nakahanda na rin dito ang mga tamang kasuotan na dapat naming isuot ni kuya kung boxing ba o ibang martial arts ang gagawin namin.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon