Chapter 39

200K 6.8K 1.8K
                                    

Thanks @JoannaCasaulParocha :)



Chapter 39


Sa halip na maligo ay agad kong binalot muli ang sarili ko. Mabilis akong nakapagbihis sa takot na may makita pa ang manyakis na stalker sa aking katawan. Muli akong bumalik sa cabinet at mas itinapat ko pa ang sarili ko sa harap ng camera, iritado kong ipinakita sa harapan ng camera ang aking dirty finger. Fuck this stalker. Hahanapin kitang hayop ka.

Padabog ko nang kinuha ang spy cam at malakas ko itong inihagis sa sahig. Damn, gaano na katagal ang camerang ito dito? Gaano na ako katagal nabobosohan nang kung sinong ito? Fuck. Fuck. Anong gagawin ko? Sigurado akong may mga nude videos ako sa walang hiyang may ari nito.



Ngayon ko nakumpirma na may nakapasok sa kwarto ko at matagal na akong pinapanuod nito. Pabalik balik ako nang paglalakad habang nag iisip ng gagawin, kung sasabihin ko ito sa aking kuya ay agad na lalaki ang gulong ito. Baka hindi lang NBI ang makarating sa bahay namin. Ano na lang ang panghahawakan ko kung mahuhuli nila ang salarin? Baka balikan ako nito at ipangalat ang aking video na walang bra. What the fuck?



Nanlambot na lang ako at napaupo sa sahig. Patay na ang kinabukasan ko kung kakalat ang video ko. Fuck. Posible kaya na...nanlalaki ang mga mata ko habang dahan dahang iginala ang aking paningin sa paligid.

Halos masabunutan ko na ang bago kong buhok. Posibleng hindi lang iisang camera ang nasa loob ng aking kwarto. Fuck! Bakit sa dami nang babaeng pwedeng bosohan ay ako pa!?



Iritado akong tumayo at sinimulan ko nang maghanap pa ng mga camera. Agad akong pumasok sa banyo dahil kung talagang manyakis ang naglagay nito ay siguradong madami akong camera na makikita sa loob nito.

Kulang kulang kalahating oras yata ako naghanap sa banyo at napahinga ako ng maluwag nang wala akong makitang camera.



Pinagpatuloy ko ang paghahanap, ang pangalwang camera ay nasa tagiliran ng side table ko kung saan kitang kita ako kapag natutulog, ang pangatlo naman ay nasa pang apat na baitang ng aking sapatusan kung saan sa tuwing yuyuko ako para kumuha ng sapatos ay agad makikita ang cleavage ko. Ang pang apat na camera naman ay nasa tagiliran ng salamin na makikita ako kapag nag aayos ng sarili sa harap ng salamin. Ang pang lima naman ay sa mga halaman sa terrace at ang pang anim naman ay nasa ilalim ng upuan na kaharap ng paborito kong upuan, ibig sabihin nito sa tuwing uupo ako nang nakaskirt or shorts ay nabobosohan na ako ng camera mula sa kaharap kong upuan. Bullshit!

Galit na galit kong pinagbabasag ang mga camera. Nakakatakot na ang isa, pero anim?! Anim na camera sa kwarto ko?! Sinong manyak ang gagawa nito sa akin? Gagastos siya ng ganitong mamahaling camera para lang makita ang katawan ko?! Bakit hindi na lang siya manuod sa mga pornsite?! Hindi pa siya gagastos nang mahal na ganito.



Tuluyan ko nang nasabunutan ang sarili ko habang pinagmamasdan ang mga camera na binasag ko. Hindi lang isa kundi anim, nasisigurado kong marami nang napanuod ang manyakis na ito sa akin. Napayakap na lang ako sa aking sarili, saan ko siya nakita? Bakit siya nagkainteres sa akin ng ganito? Fuck. Fuck.



"Lina? Bakit nagtatagal ka na?" naalarma ako sa katok ni kuya sa pinto. Agad kong itinago ang mga basag na camera at patakbo ko nang binuksan ang kwarto ko.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon