Chapter 33

202K 7.1K 1.2K
                                    

Chapter 33


Alam kong hindi magugustuhan ni Tristan ang gagawin ko ngayon pero lalong hindi ko magugustuhan kung pipiliin kong manatiling nasa loob ng kwartong ito habang nakakarinig ng paulit ulit na pagputok ng baril.

Ano na lang ang maaaring mangyari kay Florence? Sa mga bisita? kay Tristan? Sino ang mga taong ito? Bakit sila gumagawa ng ganito? Anong malaking rason nila?

Ito na ba ang dahilan kung bakit hindi na matapos ang nararamdaman kong kaba? Ito na ba ang sagot sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam na siyang binibinbin ko simula nang tumapak ako sa barkong ito?



"I'm so sorry Tristan" marahas kong inihampas ang fire extinguisher na hawak ko sa doorknob. Tulad nang inaasahan ay matibay ito at hindi basta basta masisira, kaya ubod nang lakas kong muling inihampas ang hawak kong fire extinguisher. Nang mapansin ko na hindi man lang ito natitinag ay sunod sunod ko nang ipinalo ang hawak ko sa kabila nang pangangatal ng aking mga kamay, nagsisimula nang manakit ito.



"Come on, kailangan ko nang makalabas" huminga ako nang malalim bago ko ubod nang lakas inihampas ang fire extinguisher. Dito na tuluyang nasira ang door knob.

Akma na akong lalabas ng kwarto nang agad kong mapansin na may isang armadong lalaki na lumabas mula sa dulong kwarto, kung hindi ako nagkakamali ay isa isa niyang tinitingnan ang mga kwarto kung may mga nakapuslit na mga bisita. Damn.



Agad akong bumalik sa kwarto habang yakap ang fire extinguisher. Mariin kong isinandal ang sarili ko sa pader malapit sa pintuan. Anumang oras ay ang pintuang ito ang bubuksan niya.

I bit my lower lip while tapping my left foot. I'm having my countdown inside my mind. Come on Lina you can do this. The first attacker always has the advantage. Tulad din ito ng lalaking nakaengkwentro ko sa kweba. I should knock him down as quickly as I can.

I can hear his footsteps. Damn. You can do this.



Muli akong huminga nang malalim. Hinigpitan ko na ang hawak sa extinguisher at nang sandaling lumaki ang liwanag ng ilaw mula sa labas at tumambad sa akin ang mukha ng lalaki ay ubod nang lakas kong inihampas sa kanyang ulo ang hawak ko.



"Fuck!" malakas na mura niya nang matumba siya. Kita ko ang pilit niyang pag abot sa kanyang baril na nabitawan niya sa kabila nang dumudugo niyang ulo. Hindi ko na siya hinayaan pa dahil agad akong nang sumakay sa kanya at tatlong beses kong inihampas sa kanyang mukha ang extinguisher, dito na siya tuluyang nawalan ng malay.

Dahil bahagyang nakalabas ang paa niya sa pintuan ay pilit kong hinila ang kanyang katawan. Hanggang maaari ay kailangang hindi magtaka ang kanyang mga kasamahan dahil sa sandaling mapansin nila alam kong katapusan ko na.

Agad kong kinapa ang katawan ng lalaki para makakuha ng baril. Dalawang uri ng pistol ang nakuha ko sa lalaki. Mabilis kong inilagay sa gun holster ko ang isa habang ang isa naman ay ikinasa ko na.



I need to reach the deck. Dahil habang naririnig ko ang putukan mula sa taas lalong lumalakas ang kaba sa aking dibdib. Sinong maaaring makatulong ngayon ni Tristan sa mga oras na ito? Bakit wala pang nadating na tulong? Nasaan ang natoka para sa sekyuridad ng barkong ito? Papaano kami napasok?

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon