Chapter 74

191K 5.7K 944
                                    

Chapter 74


Nanatili sa napakabilis nang takbo ng aming sasakyan. Hindi ko mapagilang hindi mapaluha sa nangyayari. Bakit sa isang iglap ay naging tatlo na lamang kami? Bakit parang napakadali lang para kay Tristan at Savannah na iwan na lang basta ang kanilang kasamahan?

For fuck sake! Gray is still alive in there! I've been in this job for years but I never ever tried leaving my comrades behind!

Muli kong pinagmasdan si Tristan at Savannah na nananatili lamang tahimik sa loob ng kotse. How can still have that kind of stiff face?! na parang walang nangyari? Bakit hindi man lang sila naapektuhan? Nasaan ang mga puso nila?


"Ganito na lang? Ganito na lang kayo? How could you? Paano nyo nasikmurang iwan ang kasamahan niyo? Gray is still alive! Humihinga pa siya sa loob ng sasakyang 'yon! We should have tried to save him!" malakas na sigaw ko. Pilit akong hinahawakan ni Tristan pero pinili kong umiwas sa kanya.


"Sasabog na ang sasakyan Lina. Magpakadakila ka, sabay sabay tayong mamamatay" malamig na sagot ni Savannah na siyang lalong nakapagpailing sa akin. Anong klaseng kaibigan siya?


"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Savannah? We're talking about your friend's life! Buhay ng kaibigan nyo. Nasaan ang ilang taong pinagsamahan nyong tatlo? Itinapon nyo lang ang buhay ni Gray!" malakas na sigaw ko. Panay ang hampas ko sa kamay ni Tristan na ilang beses na gustong humawak sa akin.

Yes, hindi naging maganda ang samahan namin ni Gray. He's a traitor. At marami pang iba, pero hindi maaalis na iniligtas niya kami ni Tristan mula sa mga sindikatong gustong pumatay sa amin. He did save us.

At kahit anong gawin ko, hindi ko maintindihan kung papaano na lang nila nasikmurang basta na lang iwan si Gray. He's still alive, he's still alive. Hindi kayang tanggapin ng konsensya ko na may iniwan kaming tao para tuluyan na itong mamatay.


"Anong malaking problema mo Satchel? Just shut up! Wala nang magagawa 'yang pag iyak at pag arte mo! He's dead! He's already dead! Hindi mabubuhay ng pagdadalamhati mo ang buhay ni Gray. He's dead, end of story" madiing sagot sa akin ni Savannah.


"He'll probably do the same Lina. Kung isa sa amin ni Savannah ang naiwan sa sasakyan, he'll also grab you inside this car and run away. That's the best thing we can do. Kung hindi man tayo masabugan ng sasakyan, maabutan tayo ng mga humahabol sa atin. We need to do the right thing.." mahabang paliwanag sa akin ni Tristan na hindi ko pa rin matanggap.


"But that doesn't give you an excuse that you did leave your own friend. You let him die.." muli na namang nagtuluan ang mga luha ko.


"Oh fuck! Can you shut up Satchel?! Nakakabingi ka na! Ilang beses ko ba na sasabihin sa'yo na wala na siya? Patay na! Wala na tayong magagawa! Stop mourning! Hindi sa lahat ng oras ay dapat nating pagluksaan ang mga namatay. We still have fight to go on! Kung magluluksa ka nang magluluksa dyan hindi mo na malalaman na may bomba na palang inihagis sa'yo! Clear your mind! Shut up and hold your fucking gun! There is no room for tears right now" malakas na sigaw sa akin ni Savannah. Napapahanga na talaga ako sa kanya, parang hindi siya namatayan ng kaibigan. Sila itong mas malapit ni Tristan kay Gray pero parang wala lang sa kanila ang nangyari.


"Why are you like that? Papaano mo naaatim sabihin ang mga salitang lumalabas sa bibig mo? Bakit kung makapagsalita ka Savannah ay parang pusa lang ang namatay sa'yo? For fuck sake! Kaibigan mo ang sumabog kasama ng kotseng 'yon! Tao ang namatay Savannah! Bakit kung makapagsalita ka na patay na siya ay parang kaswal na kaswal sa'yo? Do you even have a small feeling of guilt?!" halos nagsisigawan na kaming dalawa.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon