Chapter 44

212K 7.6K 852
                                    

Happy New Year!

Thanks @4ever_kpop :)



Chapter 44


Anong nangyayari sa akin? Bakit ako pinakikitaan ni Tristan ngayon? Anong ibig sabihin nito? Binabalaan niya ba ako sa posibleng mangyari? Nagpapakita ba siya sa akin dahil hindi siya sang ayon sa pakikipagkita ko kay Lady Rider? Akala niya ba ay makikipag one night stand ako kay Lady Rider? Pinapakitaan niya ba ako para umatras na ako sa aking binabalak?

Dalawa lang ang maaaring itawag sa akin ngayon, babaeng nababaliw o babaeng nag iilusyon. Malinaw na malinaw kung nakikita ang lalaking may pinakamagandang mata. Mga mata niyang kayang magbigay sa akin ng iba't ibang emosyon.


His eyes are damn undressing me. Hindi man lang naging hadlang ang napakalaking distansya namin sa isa't isa para maiparating ng mga mata niya ang hantarang pagtitig nito sa aking katawan. Wala man lang pakialam ang mga mata niya sa mga taong nakapaligid sa akin. Sa kanyang mga mata tanging ako lang ang makikitang nakatayo sa napakalaking lugar na ito.

Sa huli kong pagkakatanda ay nakasuot ako ng damit ngayon. But his eyes are too intense, piercing with blazing fire. Nanlalambot ang mga tuhod ko at ramdam na ramdam ko ang pangangatal nito. Hindi ko na alam kung hanggang kailan ko pa kayang tumagal sa pagtayo.


Bakit buhay na buhay ang kanyang imahe sa aking paningin? He seems so real, damn real. Hindi ko na alam ang iisipin sa mga oras na ito.

Ilang taon na rin ang lumipas nang huli akong makaramdam ng ganitong pag iinit ng katawan kasabay ang malakas na kabog ang aking dibdib. Nag iisa lang ang taong may kakayahang magdala sa akin ng kasalukuyang nararamdaman ko ngayon, sa kanyang mga mata lamang nagkakaganito ang buong sistema ko.

Wala akong magawa kundi tumitig din sa lalaking nasa itaas. Mga mata ni Tristan Matteo Ferell na paulit ulit nagdadala nang kakaibang kilabot sa aking buong pagkatao.



"Isabelle? What? Are you still there? You're talking weird aga---" hindi ko na lalong naintindihan ang sinasabi ni Chariss nang mabitawan ko ang aking telepono dahil sa matandang lalaking aksidenteng bumangga sa akin. Oh fuck.



"Oh! Geez" natatarantang sabi ng matanda. Niyuko ko ang matandang kasalukuyan nang pinupulot ang nahulog kong telepono.



"I am so sorry hija" paumanhin na sabi sa akin ng matanda habang inaabot ang aking telepono. Wala sa sarili ko itong inabot at muli kong tiningnan ang lugar kung saan ko nakitang nakatayo si Tristan.

He's gone. He's gone in a blink of an eye. Totoo ba ang nakita ko? Anong nangyayari sa akin?



"Are you okay hija? May kasama ka ba?" tanong sa akin ng matanda. Agad akong humarap dito at marahang ngumiti.



"I am good. Pasensiya na po, nakahara yata ako kanina" sinilip ko ang telepono ko. Nakapatay na ito.



"No, ako ang may kasalanan. May kausap din ako sa telepono kanina" mahinang sagot sa akin ng matanda.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon