Chapter 48

212K 7.1K 941
                                    

Thanks @aejnirut :)



Chapter 48


Nanatili akong natahimik dahil sa sinabi niya sa akin. Gusto kong makinig lang nang makinig sa anumang mga sasabihin niya, gusto kong mapunan ang lahat ng mga katanungan ko. Gusto kong malaman ang nangyari ng mga nakalipas na tatlong taong ipinagdusa ko.



"For a year? Is it because of that incident Tristan? Na coma ka dahil sa pagkakabaril sa'yo noong birthday ni Florence?" tinanggal ko ang nakapulupot niyang kamay sa akin at tumayo ako, pinili kong maupo malayo sa kanya.



"Gusto kong makita ka habang kinukwento mo ang lahat Tristan, ayokong itago mo sa akin ang mga mata mo habang ikinukwento mo sa akin ang ilang taon mong pagkawala" tumango na lang siya sa akin, nakita ko ang paghugot niya nang paghinga bago siya muling nagsalita.



"It was not because of Florence's birthday. Ilang araw lamang akong nakatulog noon, about 5 – 6 days? I did survive during Florence's birthday. At nang gumising ako mula sa anim na araw na pagkakatulog ko, wala na akong buhay na babalikan pa" nangunot ang noo ko sa paliwanag niya. Wala akong naiintindihan.



"I don't get you, sino ang nasa chopper na iniyakan ko? I've seen everything Tristan, sa mata ko at sa lahat ng mga mata ng nagmamahal sa'yo patay ka na. Papaano? Hindi ko maintindihan" wala akong makitang butas.



"It was me Lina, ako pa rin ang katawang iniyakan mo sa chopper. But everything was just a goddamn farce, the apparatus, the girls on that chopper and my declared death was all scripted Lina. Hindi kasamahan ng mga babaeng tumulong sa barko ang mga babaeng nasa chopper Lina, they are all my comrades" natigilan ako nang ilang minuto sa sinabi ni Tristan bag tuluyang nag init ang aking dugo at mas maintindihan ang sinabi niya.



"Scripted? What the hell? Napapahanga na ako sa mga kasamahan mo Tristan. They're all impressive to act on that scene, hinigitan pa nila ang mga doctor sa isang palabas na may mamamatay na bida, hindi ba nila alam na may damdamin kami ni Nally?" napakuyom na lang ang mga kamay ko na nakapatong sa tuhod ko habang inaalala ang nakaraan. Kahit ilang beses kong balik tanawanin, hindi ko kayang sabihin isa itong napakagandang pag arte.



"Lina, everyone of us are trained. We're not just skilled with guns, bombs, ambushed tactics and deathly operations. We are also trained to act and play with our prey's emotions. We can't be considered as agent if we can't have that skill baby. I am sorry.." halos mapatitig na lang ako sa kanya. Kung ganoon nang mga oras na 'yon ay napasailalim na kami sa mga kamay ng mga taong bihasang paglaruan nang walang habas ang damdamin ng mga inosenteng tao.



"Then, why? Bakit kailangan nilang palabasin na patay ka?" nanghihinang tanong ko sa kanya.



"I was ordered by the Sous L'eau, Lina. Matagal nang ipinag uutos ng agency ko na iwan ko na ang pamilyang meron ako dahil anumang oras ay mapapahamak ang buhay nila, buhay ng babaeng mahal ko kung mananatili ang ugnayan ko sa inyo. There are numbers of syndicates who've been tracing my identity" napakagat labi na lang ako. Gusto kong isumbat sa kanya ang sarili niyang paghihirap dahil siya ang pumili ng trabahong ito, pero nanahimik na lamang ako.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon