Chapter 66

184K 6K 1.2K
                                    

Thanks @AltheaGraceSadiasa :)


Chapter 66


Ipinagpatuloy namin ni Tristan ang paglakad takbo sa gitna ng kagubatan. We need to hurry, hindi kami maaaring tumigil dahil anumang oras ay mahahabol kami ng mga masasamang tao.

Ang tanging mapanghahawakan na lang namin ay ang pekeng ngipin namin na siyang tracking device ng Sous L'eau sa lahat ng agent nito.

Napansin ko na patuloy pa rin ang pagdugo ng saksak ni Tristan sa kanyang tagiliran at alam kong nagkukunwari na lamang siyang hindi nasasaktan dito para hindi ako mag alala.



"We need to stop Tristan.." mariing sabi ko. Mauubusan na siya ng dugo kung patuloy pa kaming tatakbo.



"We have to go Lina.." sagot niya sa akin habang inaabot ang kamay ko.



"Maupo ka muna Tristan, let's go near that tree.." may itinuro ako sa kanyang malaking puno na siyang mapapagtaguan namin dalawa.



"How I love that baby, but it's not ideal to do it now. We're in hurry Lina.." nangunot ang noo ko sa sinabi niya sa akin.



"Tristan naman! I am not asking for sex! God! Hinahabol na tayo ng bala ay 'yan pa rin ang iniisip mo! I need to see your wound!" halos hingalin ako sa malakas na sigaw ko sa kanya. Bakit naiisingit niya pa ang mga kamanyakan niya sa ganitong sitwasyon?



"Oh, my bad baby.." natatawang sabi niya sa akin. Ako na ang humagip ng kamay niya at hinila ko na siya sa pinakamalapit na puno na maaari naming mapagtaguan.

Agad lumipad ang mga kamay ko sa butones ng long sleeve niyang puti na nababahiran na ng kanyang sariling dugo. Napakagat labi na lang ako nang makitang hindi na talaga maganda ang tama niya sa kanyang tagiliran. Paano niya natitiis ang sakit nito?

Mabilis kong hinagip ang dress ko at sinimulan ko itong sirain. Dahil maiksi na ito ay lalo pa itong naging mas maiksi, mas mahaba pa ang blazer na kinuha namin sa mga nakahandusay na lalaki kanina.



"We need this to stop the bleeding" pakinig ko ang pasipol ni Tristan Matteo Ferell habang pinagmamasdan akong sinisira ang sarili kong damit.



"Nice legs baby, sino nga ang boyfriend mo?" hindi ko maiwasang hindi mapangisi sa tanong ng manyakis na lalaki.



"Nasaksak po ang boyfriend ko" narinig ko siyang tumawa sa sinabi ko.



"Move your arms Cap.." seryosong sabi ko. Sumunod naman siya sa akin, payakap kong sinimulan ang pagtatali sa kanyang tagiliran at napairap na lang ako nang yakapin niya rin ako.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon