Chapter 24

245K 8.4K 1.4K
                                    

Thanks @Alieeenpanduh :)


Chapter 24


Nagmamadali kong itinulak si Tristan na kasalukuyang nakatitig lang sa akin na parang walang narinig na putok ng baril. Fuck! I'm sure that gunshot was from my brother. Akala ko ba hindi siya uuwi? Bakit may baril siyang hawak? Fuck!

Hindi niya kami pwedeng makita ni Tristan na ganito.

He'll definitely shoot this goddamn miner.



"Get up! Get up Tristan!" nangangatal kong kinapa ang nighties ko at nagmamadali kong isinuot muli ito.

Halos mapasigaw na lang ako nang bigla nang mabuhay ang ilaw. What the fuck?! Nabuhay na ni kuya ang fuse ng bahay! Pero habang natataranta ako ay hindi ko maiwasang hindi humanga sa katawan ng Ferell na nasa harapan ko na kasalukuyang nasisinagan nan g ilaw. Kung nasa ibang pagkakataon kami baka mas maasikaso ko pa ang makasalanang katawan niya ngayon pero hindi ngayong anumang oras ay kakalampagin na kami ng kuya ko na may hawak na baril.



Habang ako ay hindi mapakali sa ibabaw ng kama, si Tristan Ferell naman ay parang tamad na tamad na humihikab sa aking harapan. Hindi ba siya kinakabahan? Mahuhuli na naman kami dahil sa kapusukang ito.

Lalong nag init ang ulo ko nang nagawa pa nitong humiga habang pinapanuod ang pagkataranta ko.



"Come on, let him be. Hindi na bago sa kanya ang mga ganitong bagay" simpleng sabi niya sa akin na nagpalaki ng mga mata ko. He can't be serious! Sinong kuya ang matutuwa kapag nakitang ang lalaking akyat bahay na pumatay ng fuse ng bahay ay kasalukuyang minimina ang kapatid niyang babae? Saan nakuha ni Tristan ang sinasabi niya?



"Let's go! Hindi ka pwedeng makita dito" nauna akong bumaba sa kama habang hinihila siya. Ilang beses ko pa siyang pilit na hinila bago ko pa siya napabangon sa aking kama. Mabilis ko siyang hinila sa loob ng aking napakalaking banyo. Ngayon ay alam ko na kung bakit napalaki ng ganito ang aking banyo dahil nakatakdang mangyari ang nagaganap ngayon. Damn.



"Am I going to hide here?" umirap na lang ako sa tanong niya sa akin. Malamang, saan pa siya magtatago sa ilalim ng kama tulad ng ginawa niyang kalandian kanina?



"Turn around" tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. Linya niya ata ang nasabi ko, baka iba na naman ang tumatakbo sa utak niya ngayon.



"Are we going to continue Lina?" malisyosong tanong niya sa akin, tulad ng inaasahan.



"Huwag ka nang maraming tanong. Dadating na si kuya! Just turn around" hinapit niya muna ang aking bewang bago ako binigyan ng isang mabilis na halik sa mga labi saka siya tumalikod sa akin. Tristan Ferell, haist.



"Huwag kang haharap" nagsimula na akong maghubad at talagang binilisan ko na ito sa takot na baka makaharap sa akin si Tristan Ferell, hindi pa rin ako sanay na makita niya ang kahubaran ko na may ilaw.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon