Chapter 12

260K 9.5K 1.7K
                                    

Chapter 12


Napatitig na lang ako sa huling sinabi ni Tristan Ferell. Bakit parang pilit niyang pinagmamadali ang lahat? Bakit parang may bagay siyang hinahabol? Lalo na ang mga binibitawang mga salita niya sa akin, mula sa una naming pagkikita hanggang sa mga oras na ito.

I am the puzzle but I don't understand. Anong may'ron sa akin? Anong nalalaman niya sa akin? May kinalaman ba ito sa pinagtatalunan nila ni kuya?


"Diretsuhin mo ako Ferell, what's with your words? What's with all of these? May alam ka ba tungkol sa kung anong may'ron sa aking pamilya? What about the girl named Isabella? Pilit kong pinagdudugtong dugtong ang mga ikinikilos ng mga magulang ko, ni kuya at maging ikaw. This is damn frustrating but I don't really understand anything" halos nakailang iling na ako sa kanya habang siya ay nanatiling nakatitig sa akin.

Simula nang nakilala ko si Tristan Ferell, nabuhay ang lahat ng tanong na hindi ko akalaing pilit kong pakaiisipin.


"Ano? Ferell! Don't just stare! Sagutin mo ako!" napaatras ako nang humakbang siya papalapit sa akin. Can't he just stand and answer me? Bakit kailangan niya pa na humakbang at paatrasin ako ng ganito?


"Don't come near me! Sagutin mo muna ako, Ferell" madiing sabi ko habang patuloy siya sa paghakbang papalapit sa akin. Bakit kami pinabayaan ng mga pinsan niya na magkasarilinan sa loob ng kwartong ito? And even his grandfather! Hindi ba nila alam kung gaano kadelikado ng lalaking iniwan nila kasama ko?

Patuloy ako sa pag atras hanggang tumama ang aking katawan sa lamesa. Damn, dead end. Napahawak na lang ako sa lamesa para maging aking suporta. Nagsisimula nang mangatal ang aking mga binti. Damn, why am I so nervous? Hahayaan ko na lang ba na pangunahan na naman ng Ferell na ito ang pangyayaring ito?


"Susuntukin kita, Ferell. Tigilan mo na ako!" nanatili nakatitig sa akin ang kanyang mga makapangyarihang mga mata na kahit kailan ay hindi ko matalo. Tristan Ferell and his devilish eyes.

Hindi na ako nabaguhan nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin. Wala man lang akong nagawa dahil sa mga titig niyang nakakawala ng lakas, bakit sa sandaling tumama na ang aking mga mata sa kanya ay nawawala ako sa aking sarili?

Halos mapapikit na lang ako nang marahas niyang ihampas ang magkabila niyang kamay sa ibabaw ng lamesang nasa likuran ko.

Now, I am trapped by this mysterious Ferell. Lalong bumilis ang pagtibok ng aking puso nang marahan niyang ipinatong ang kanyang noo sa aking balikat. God! Anong ginagawa niya? Nanatiling naninigas ang aking mga katawan sa kanyang posisyon. Natatakot akong gumawa ng kahit anong kilos, kinakabahan ako sa anumang pwedeng gawin ng Ferell na ito.


"Ano pa ang gagawin ko sa'yo Lina? Hinahabol habol na kita. I am not like this, I preferred sleeping with so many pillows, but here I am begging for your attention" nanlambot ang mga tuhod ko sa malambing na boses ni Tristan Ferell. Shit. Nangangatal na ang mga kamay ko, hindi ko na alam ang gagawin ko sa sitwasyong ito. We're too close, nahihirapan na akong huminga sa posisyon namin at lalong nang nag iinit ang pakiramdam ko. Damn. Enough of this Ferell. I am damn melting.


"Trista—" hindi ko na naituloy ang aking pagsasalita nang agad ilagay ni Tristan Ferell ang forefinger niya sa aking mga labi para pigilan ang anumang sasabihin ko.


"Let me talk this time.." napahawak na lang ako sa kanyang mga braso nang hawakan niya ang aking bewang. Natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakaupo sa ibabaw ng lamesa.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon