Chapter 38

213K 7K 2.1K
                                    

Lina <3

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lina <3


Thanks @KylaTorres06 :)


Chapter 38


Muli kong sinipat ang buo kong repleksyon sa harap ng salamin matapos ang napakatagal na hair treatment na umabot yata ng anim na oras. Damn, bahagya kong ipinaling sa magkabilang direksyon ang ulo ko sa pag iinat habang hawak ang balikat ko. Nangalay ako.

Napapakagat labi na lang ako habang pinagmamasdan ang bagong ayos ng aking buhok. I am now a short haired perm girl.



Agad ko nang isinuot ang aking wayfarer at nagdiretso ako sa cashier.



"Keep the change.." na siyang lagi kong sinasabi sa parlor na ito.

Lalabas na sana ako nang sabay akong harangin at kurutin sa aking tagiliran ng dalawang baklang nakilala ko sa department store noong bumibili kami ng boxers brief ni Tristan. Kaibigan ko na silang dalawa ngayon at pag aari nila ang mamahaling salon na ito.



"Bagay talaga sa'yo. Winner!" tinanggal ko ang aking wayfarer at ipinakita ko ang pag irap ko sa kanilang dalawa.



"Masyado bang malaki ang sukli? Hindi nyo na ako kailangang bolahin" sila naman ngayon ang umirap sa akin. Agad nila akong kinilik dalawa na siyang ayaw na ayaw kong ginagawa nila sa akin.



"Bitawan nyo ako. I need to go.." sabi ko na hindi naman nila sinunod dalawa.



"Ayaw mo talaga ng pinupuri no? Isabelle? Look, look" sabay nila akong ginapos at pilit nilang ipinaling ang ulo ko sa lalaking nakatingin sa akin mula sa labas na mabilis tumalikod nang mapansin na nakatingin kaming tatlo sa direksyon niya. Damn, hindi ko nakita ang mukha.



"May papable na nakatingin sa'yo kanina pa" bulong sa akin ni Chariss. Naningkit ang mata ko sa matangkad na lalaking kasalukuyan nang sumasakay sa kanyang itim na audi. Who the hell is he?



"Wala akong panahon sa lalaki" matabang na sabi ko. Nakataas ang kilay ko sa mga kamay nilang nakahawak sa aking mga braso. Sabay nila akong binitawan na napapabuntong hininga.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon