2

24 1 0
                                    

2

"Gabriela!" Sigaw ni mama mula sa banyo.

"Opo wait lang! Tapusin ko lang toh!" Sabi ko habang tawang tawa sa pinaggagawa ni JHope.

Laptrip kasi, pinapanood ko yung elevator prank ng BTS. Meron yung part don na nakadapa siya sa loob ng elevator. Tapos yung puwetan niya nakaharap sa pintuan. Saktong nagbukas yung door at nandon yong babae.

Like omaygash, si ateng kasabwat sa plan ay no reaction. XD laptrip ka teh!

"Gabriela!"

"Eto na nga sabi ko nga!" Sabi ko at pinause ang video sabay off ng phone ko.

Ako nga pala si Grabiela Salazar. Pure Filipino. I'm a grade 11 student. Suppose to be a first year college kaso k-12 na.

Laking pasasalamat ko at may pang paaral pa saakin si mama. Eto ang trabaho ni mama, nag lalaba. Kumukuha siya ng labada ng kapit bahay o kakilala namin para extra income.

Symepre meron din kaming tindahan. Napalunan pa namin toh nung sumali kami sa isang contest. Tapos ako yung bantay neto.

Minsan sa school, suma side line rin ako. Pa simple na ako gumagawa ng mga written works ng mga kaklase ko.

Wala eh, kailangan talaga namin ng pera.

Pagka minsan may sobra akong pera, bibili ako ng poster ng BigBang pang koleksyon lang. XD kahit sa simpleng poster lang noh maramdaman ko na nandiyan pa rin sila.

Sa mga kpops rin ako kumukuha ng lakas, confidence at inspiration. May mga sense rin naman kasi yung mga sinsabi nila.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang hilig nila sabihan ng bakla ang kpop. Dahil lang naka make-up, eye liner mga ganon. O di kaya dahil sa hairstyle. Minsan sa mga moves lang nila. FYI lang, style ng Korea yan. Sila nga hindi nila tayo nilalait sa mga style natin pero yung iba grabe makasabi ng "bakla" eh akala mo ang gwapo/maganda nung nagsabi. Akala mo napaka perpekto niya para sabihan ang ibang tao ng ganon.

Sa mga names, pagka may "Tae" na word ang name nila iisipin nila tae talaga yun. Mga may sira sa ulo yun eh. Sana yung pangalan ng iba diyan na nanghuhusga pag tinanslate sa Korean, tae din kahuluguhan. Pagtatawanan ko talaga yon.

Fan na ako ng BigBang since 2006. I'm a 10 years fan of them. At kahit kailan hindi ko sila kinalimutan.

Hinayaan na lang ako ng mama ko sa kabaliwan ko. Eto na lang kasi ang tanging magpapasa maliban sa mama ko, sa mga kaibigan ko at lalong lalo na kay Jiro.

Si Jiro Gizzilo ang mahal ko. Sabihin na natin na mahal niya rin ako pero wala kaming label.

Almost six years na ang nararamdaman namin sa isa't isa and yet hindi pa rin kami.

I never allow him to be my boyfriend. Hindi sa wala akong tiwala para sa pagmamahal niya saakin ang akin lang mas maganda kung parehas kaming dalawa ay may trabaho na.

Mayaman ang pamilya nila Jiro samantalang ako ay hindi. Kilala ako ng magulang ni Jiro at gusto nila ako para sa anak nila. Pero si mama ayaw kay Jiro. Ayaw lang sabihin ni mama.

My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon