50

19 0 0
                                    

50


Ang sakit ng ulo ko. Jusko, ano ba ginawa ko kanina?

Natauhan ako bigla. May kumidnap ata saakin kanina. At sa tingin ko nasa sasakyan kami!

Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Nasa van kami. At nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino ang driver.

"Dude, sayang yon!" Malakas na sabi ni Choi mula sa likod ko. Nakita ko yung mukha ni Lee na siyang yung nagdadrive sa salamin.

"Shut up. Gabriela might hear you." Rinig kong sabi ni Jin na katabi ko. Pinikit ko ulit ang mata ko para makinig sa pinaguusapan nila.

Putek, how come na kasama nila ako? Nanaginip ba ako?

"Come on Jin! Let's stop this act---"

"Just shut the fuck up, Choi. Enough about that topic." Sabi ni Lee.

Ano ba yung pinagaawayan nila? Ganon ba kalala para magmurahan sila?

Umakto ako na parang bagong gising para kunwari wala akong narinig.

"Hmm... Nasan ako?" Kunwaring inaantok na sabi ko. Nyeta puwede na ako maging isang artista.

"Hi Gabriela!" Sabay sabay na sabi nilang lahat na ikinagulat ko. Aba, parang kanina nag tatalo sila tapos ngayon ang saya nila?

"Teka nga paano ako napunta dito?!" This time, totoo na toh. Paano nga kasi ako napunta sa van na yon kung sa pagkakatanda ko asa tapat ako ng school.

Suot suot ko pa rin yung polo long sleeve ko na stripe. Nakabukas ang mga butones neto dahil naka t shirt ako sa loob.

"Umm... Peace tayo Gabriela ah?"

Napatingin ako kay Shina na nasa tabi ni Jin.

"Ako yung nagpatulog sayo kanina sa tapat ng school niyo." Ngiti ngiti niyang sabi.

"Ha?! Taena para san toh?" Nanggigil kong sabi. "Jin, ano binabalak niyo?! Saan niyo ako dadalhin?!"

Naiinis ako. Ako lang yung babae dito at di ko gusto yung mga iniisip ko. Napatingin ako sa labas, puro puno na lang at wala masyadong sasakyan na dumadaan. Nasa liblib na lugar kami!

Natawa silang lahat dahil sa sinabi ko. Kahit si Lee na nag mamaneho napatawa.

"Chill! Wala kaming gagawin sayo!" Natatawang sabi ni Shina.

"It's a surprise camping, Gabriela." Natatawang sabi ni Jin at inakbayan ako. "So chill, we will just have fun."

"Siraulo ka ba? Papagalitan ako ni nanay neto---"

"Alam ni nanay toh Gabriela. We ask her yesterday about this." Sabi ni Heehul na katabi ni Lee sa harap.

"Calm down. We will just have fun that's all." Pagkakalma saakin ni Jin.

Kumalma ako. Mapagkakatiwalaan naman sila. Hindi naman sila mukhanh mamatay tao or rapist so buo na ang tiwala ko.

Nalimutan ko na yung pinaguusapan nila kanina. Naging masaya ang atmosphere namin sa loob ng van. Inarkila lang pala nila toh para sa camping na toh. At surprise talaga nila ito para saakin.

Mahigit isa't kalahating oras na pala kami bumabyahe. At sa wakas nakarating na kami sa isang lugar kung saan safe mag camping.

Kami lang ang tao dito pero may nakalagay sa mga sign na safe for camping ang lugar na ito. Saka lumabas din ito sa google map nila Lee.

Tinulungan ako ni Jin bumaba ng van. Nung nakababa na ako, tumulong ako kay Suna na nagbaba ng  mga gamit.

"Kami na dito. Eto na lang kunin mo." Sabi ni Suna at inabot saakin ang pamilyar na bag. Doon ko napagtanto na akin itoh.  Hinalukay ko ang laman neto at kumpleto lahat ng pangangailangan ko para sa camping.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon