49

2 0 0
                                    

49

Grabe ilang buwan ang lumipas at December na. Mga bes, Christmas party namin ngayon woooo.

Yung buwan na lumipas, para kaming aso't pusa ni Jin. Pero biruan lang namin yung mga away.

Third quarter exam namin nakasama na ako sa honors! Grabe si Jin, hindi niya ako tinantanan sa pag rereview. Lalo na sa Math. Jusko muntikan na ako maburol dahil sa math.

Buhay Senior High School nga naman.

And now, nag cecelebrate na kami ng pasko kaming isang buong klase.

Nakakagulat kasi tuwing Christmas party lagi akong umiikot ng campus para tingnan yung mga estudyanteng nagpapamigay ng regalo. Nakagawian ko yon simula nung grade 7. Kaso ngayon hindi ako makalabas ng classroom dahil ang dami kong mga kaklase na nakikipag usap saakin.

Naalala niyo yung nakuwento ko dati na katabi kong nanlalandi? Ayon, kinakausap ako. Si Betty the Malandi. HAHAHA

Aware naman ako kung bakit nangyayari saakin ito ngayon. Lalapit sila saakin kasi alam nilang matalino na ako. Sorry sa word pero yung first honor saamin? Nag-aaral lang siya para may mayabang. Hindi siya nag-aaral para sa sarili niya. Kaya ang grades niya may 99 at 66. HAHAHA

"Uy si Carlo guysss~" Tilian ng mga kasama kong babae. Nakakapag taka kung bakit saakin nakatingin si Carlo, kaklase namin at papunta siya sa kinatatayuan ko.

Si Carlo ang escort namin. At ang gwapo niya talaga. Yun lang hindi niya naagaw ang pansin ko kaya no thanks.

"Hi girls, excuse ko lang si Gabriela. Okay lang?" Humble niyang sabi. Kingina nakakakilig pala ang isang toh. Kaso sorry talaga, may boyfriend na ako. Hahahaha

Nagpigil naman ng kilig ang mga kasama ko at tumango sila kay Carlo. Sinenyasan naman ako ni Carlo na sumunod sakanya habang nakangiti. Ang weird buset.

Ano naman kailangan ng isang toh saakin?

"Umm, bakit?" Tanong ko sakanya ng medyo nakalayo kami sa mga kasama ko kanima.

"Sorry ha? Nakiusap saakin yung kaibigan ko na dalhin kita sakanya. May sasabihin daw siya sayo eh." Nahihiya niyang sabi at napakamot pa sa ulo. Ay, may kuto? Hahaha joke.

"Sino naman?" Tanong ko habang sinusundan siya. Papunta kami sa canteen. Jusko, ililibre ba ako neto? May pagkain sa room ah. Hahaha. Food to share iz real nga naman pag tuwing Xmas party.

Sarado ang canteen ngayon dahil may pagkain naman. Food to share mga beshy.

Tumigil kami sa tapat ng canteen at hinarap ako ni Carlo. "Sige ha Gabriela? Andiyan na yung kaibigan ko so good luck." May kahuluguhan ang ngiti ang pinakita saakin ni Carlo at tumakbo paalis sa harap ko.

Gustuhin ko man siya tawagin dahil nasan yung tinutukoy niya kaso nakita ko si Vince.

Omaygash, I smell something fishy na.

"V-Vince." Nagtataka kong tanong.

Medyo natauhan ako ng lumapit saakin si Vince na may hawak na pulang rosas. Ayoko man isipin ang hindi dapat isipin kaso yun talaga ang naiisip ko.

Hindi ako tanga para hindi mapansin ang ginagawa ni Vince.

"Hi." Malapad na ngiti ang sinalubong niya saakin. Umakto akong normal para umiwas. "Uy! Para kanino yan?" Nakangiti kong tanong habang nakaturo sa red rose.

Kingina, yung sinabi niya noon na may aamin saakin sa Christmas Party. Eto na na yon? Tapos sabi ni Carlo, may kaibigan siyang may gustong sabihin saakin. Mag best friend sila ni Carlo omaygash. Naloloka na yung bangks ko kahit wala ako non.

"Eto? Para sa babaeng nagugustuhan ko ngayon." Sabi niya habang nakatingin sa pulang rosas. Napalunok ako. Gosh eto na. Gabriela mag ready ka na.

"Weh? Sino?" Umakto akong normal. Kunware wala akong alam. Hindi ako manhid, nagpapanggap lang ako.

Tumayo siya ng maayos. Huminga ng malalim at diretsong tumingin saakin.

"Gabriela may gusto ako sayo." Mabilisan niyang sabi at halata sa boses niya na kinakabahan siya.

"Alam kong may boyfriend ka... Pero gusto kita. Puwede bang... Bigyan mo ako ng... Ugh... Ng... Chance?" Nauutal niyang sabi.

Jusko ano sasabihin ko? Fuck no ganern?

"Umm ganito kasi yon---"

"It's a no." Pagpuputol niya sa sasabihin ko. "Alam ko yung pakiramdam na may nagkakagusto sayo pero may mahal ka nang iba. I understand." Nakangiti niyang sabi. Gusto kong magulat dahil nanunubig yung mata niya at anytime parang iiyak na siya.

"Vince... I'm sorry--"

"Hindi ayos lang. Alam ko naman na mangyayari toh." Sabi niya habang nakangiti pa rin. Wala siyang pakielam kahit na may tumulong luha sa mata niya. "Eto? Para talaga toh sa simbahan. Iaalay ko." Natatawa niyang sabi.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Ngayon lang ako nakasaksi na lalakong umiiyak lalo na't sa harap ko pa!

"Una ka na? May tatawagan ako dito eh." Sabi niya habang umiiyak pa rin.

Tumango na lang ako at tinapik siya sa braso. Yun na lang ata ang kaya kong gawin.

Naglakad na lang ako. Ayoko may nakikita akong umiiyak. Feeling ko ang laki ng kasalanan ko.

Pagbalik ko ng room, nakasalubong ko ang mga barkada ni Vince at alam nila siguro ang nangyari dahil hindi ko kasama si Vince.

Nakipag usap na lang ulit ako sa iba kong kaklase. After ng mga ilang minuto bumalik si Vince sa room kasama ang mga kaibigan niya na nagtatawanan. Pero bakas sa mata ni Vince na umiyak siya.

Sorry, hindi ko ginusto yung nangyari. ~T_T~

Naging maayos din ang lahat. Ang ganda ng Christmas party namin kasi lahat kami may cooperation.

Si Vince ang MC namin since siya ang president ng grade 11.

Ang malas lang kasi siya ang nakabunot saakin. Tapos yung binigay niya emoji pillow na may heart sa mata.

Tinago ko na lang yon at nag thank you kay Vince.

Nung nag uwian parang normal day lang saamin. Nag paalam na ako sa mga bago kong kaibigan na sila Betty, Girlie, Lauren, at Maecy.

Habang naglalakad palabas, narinig ko ang pangalan ko mula sa likod ko. Pag tingin ko, si Vince na hingal na hingal.

"Buti nahabol kita." Hinihingal na sabi niya.

"Bakit?" Alanganin kong tanong. Hindi ko alam kung act normal pa rin ba or what jusko.

"Nagustuhan mo? Yung emoji." Natatawa niyang sabi.

"Tumakbo ka para itanong yon?" Natatawa kong tanong. Natawa kami parehas. "Hahaha oo."

"Yap! Nagustuhan ko. Hindi halatang mahilig ka sa mga emojis ah. Nung birthday ko binigyan mo ako ng smiley face keychain tas ngayon pillow na heart yung mata ng emoji." Natatawa kong sabi.

"Hahaha hindi naman. Sakto lang."

Magsasalita pa sana ako kaso narinig kong may tumawag sa pangalan ko. This time, kilala ko na kung sini toh.

"Gabriela!"

Masaya akong lumingon kay Jin na ngayon ay kumakaway saakin.

"Jin!" Sigaw ko pabalik at tumakbo ako papunta sakanya. Sinalubong niya ako ng yakap.

"Wow! Parang ang tagal nating hinsi nagkita ah?" Natatawa kong sabi. Hinigpitan ko ang yakap sakanya.

"I just love you so much that's why." Sabi naman ni Jin. Ramdam ko na nakangiti siya.

Humiwalay kami ng yakap at nagulat ako ng biglang may nagtakip sa mata at bibig ko. Napansin ko na lang na wala na akong malay. Gustuhin ko sana na magsalit kaso ang bilis ng mga pangyayari.

Jin, ano ang nangyayari?

My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon