7

0 1 0
                                    

7

"Are you really sure that your mom won't mind if I will stay here for one night?" Tanong ulit ni Jin sa pang limang beses.

Halos sampung minuto na kami nakatitig sa harap ng bahay namin at hindi pa pumapasok.

Sa totoo lang ay kinakabahan ako na hindi ako payagan ni mama na patuluyin si Jin dito. Baka magalit pa siya dahil may ibang lalaki akong kasama at hindi si Jiro...

"Trust me." Tanging nasabi ko at nauna nang pumunta sa pintuan namin.

Kumatok muna ako sa pintuan bago pumasok ng bahay. Nakita ko naman mula dito na nag aahin na ng hapunan si mama.

"Gabriela sakto ang uwi mo." Nakangiting sabi ni mama.

Para tuloy ako natulala. Naalala ko kasi na kaninang umaga lang bago ako umalis ng bahay ng tanggapin ni mama si Jiro kung sakaling maging kami. Pero sayang ang tagal ng pag dedesisyon ni mama para samin dahil hindi ako ganon kamahal ni Jiro.

"Umm, Gabriela?" Biglang pagsulpot ni Jin sa gilid ko.

Naalala ko tuloy na may kasama pala akong tao na dapat kong intindihin.

"Sino siya Gabriela?" Pagtatanong ni mama habang nakaturo kay Jin. Na curious naman si Jin sa inakto ni mama dahil ni isa ay wala siyang alam sa pinagsasabi ni mama.

"Good evening ma'am." Magalang na sabi ni Jin kay mama kasama ng pag bow niya.

"Mukhang may lahi ka. Meron nga ba?" Tanong ni mama kay Jin.

"What did she say?" Bulong ni Jin sakin na ikinatawa ko.

"Mom, this is Jin. Jin this is my mom." Pagpapakilala ko sa dalawa.

"Okay, pero may lahi siya diba Gabriela?" Pagtatanong ni mama.

"Koreano siya ma'," natatawa kong sabi. "Nakilala ko siya sa park kung saan tayo lagi dinadala ni papa. Naliligaw siya dahil yung mga kaibigan niya lang ang may alam sa lugar na ito. Tapos napagiwanan pa siya. Siya yung sinabi ko na tutulungan ko. Pero inabot kami ng gabi." Pagkukuwento ko.

"Ahhh," tanging reaksyon ni mama.

"Is it fine with her?" Tanong ni Jin.

"Uhh, ma. Puwede ba'ng makitulog si Jin saatin?"

Nanlaki naman ang mata ni mama sa sinabi ko.

"Ano ang pinagsasabi mo? Ni hindi nga natin siya kilala!"

"Ma naman ehhh. Kpop artist yan!" Sabi ko na lang.

Kinuha ko ang cellphone ko at pinakita kay mama ang wallpaper ko.

"Yan oh ma. Siya yan. Nasa Korea pa siya nag peperform." Sabi ko.

"Ahhh, sige na nga."

Ay wow, porket kpop artist puwede na. XD

"Yes." Nakangiti kong sabi kay Jin na ikinangiti niya.

"Omo! Kamsamnida!" Sabi ni Jin at napahawak sa kamay ni mama at nag bow.

My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon