39
Habang nagkaklase, hindi ko maiwasan malungkot.
Kaninang madaling araw kasi nag text saakin si Jin. Biglaan lang daw na may nag hahanap ng kapalit na dancer para sa isang event kaya sila ang nakuha. Eh ang event gaganapin pa naman sa Laguna. Three days ang itatagal nila doon.
Biyernes ngayon at hindi sila aabot sa birthday ko. Dapat ngayon ko sila sasabihan na icancel nila ang schedule nila sa Sunday dahil nga don. Kaso wala na bago ko pa masabi.
"Uy Gabriela, bakit naka busangot ang mukha mo?"
Napatingin ako sa kaklase kong si Francine. Medyo nagulat ako kasi ngayon lang kami nagkausap. Pero hindi ko pinahalata.
"Ah wala lang. Masyado lang ako naloka sa quiz kanina." Pagdadahilan ko.
Hindi ko na dapat sabihin dito na malungkot ako kasi wala yung mga taong kukumpleto ng kaarawan ko. Muntanga ako don bes.
"Hay nako Gabriela, ngiti ngiti na lang. May nag-aalala diyan sa tabi tabi." Sabi niya habang lumilinga linga pa.
Naweirduhan ako sa sinabi niya kaya napatingin din ako sa paligid namin. Mga nagkakagulo sila kasi free time namin.
Napansin ko naman na nakatingin saaming dalawa ni Francine ang mayor namin na si Vince.
"Anong... Ibig mong sabihin?" Tanong ko kay Francine na ngayon ay nakangiti ng nakakaloko saakin.
Umalis siya ng walang paalam kaya na-weirduhan lalo ako sakanya. Hinayaan ko na lang siya at hindi pa binigyan pansin.
Kinuha ko na lang ang notebook ko at nagsulat doon.
Note #56
Wala sila Jin ng three days :(
Para siyang diary pero hindi talaga siya diary. HAHAHAHA
Dahil boring at ang tagal pa mag lunch break, nag doodle na lang ako ng pangalan ni Jin sa notebook ko para may matino akong magawa sa buhay. HAHAHA. Tama na muna sa pagbabasa ng mg novel, naloloka na ako mga bes.
Putek, ang pangit nung 'J' buset. Hahahah.
"Ano yan?"
Halos mapatalon ako sa gulat ng may nagsalita sa likod ko. Pagtingin ko si Vince pala.
"Ah wala wala..." Sabi ko at medyo tinakpan ang ginawa ko.
"Wala daw, pero kitang kita ko ang word na 'Jin'." Medyo may pang asar na sabi niya saka umupo sa tabi ko. Wala kasi yung katabi kong maarteng babae, nanlalandi ng kaklase namin.
"Hehehe." Tawa ko na lang. Hindi ko na tinakpan ang notebook dahil nakita na rin naman niya.
"Sino siya?" Nakangiti niyang tanong. Lumabas ang dimples niya.
Gosh, bat ngayon ko lang nalaman na ang gwapo ni Vince? Hahaha. Yan kasi, mas nakatuon ang pansin ko sa mga gwapong nilalang katulad ni fafa Suga HAHAHA.
"Someone..." Medyo pabitin ko at nag-isio kung anong klaseng someone siya. "... Special???" Hinsi sigurado kong sabi.
"Ohh... Lalaki siya..." Hindi tanong at statement ang sinabi niya. Tumango na lang ako bilang sang ayon sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend
FanfictionA man from South Korea. Trying to be a true Filipino and he met me. Hello everyone, I want to introduce to you My Boyfriend.