46
Malapit nang mag 7pm nang mahatid nila ako sa bahay. Oo, hinatid nila ako sa bahay hindi dahil sakin kundi para makikain.
Grabe sila! Hahaha!
Nag-enjoy kaming lahat sa mga trip namin kanina. Hahaha mga gago lang kami kanina kasi may mga inuto kami kanina. Tulad nung naglalakad kami palabas ng quantum, may magkaibigan sa harap namin. Binabato namin sila ng maning kinakain namin tas pag lumingon kunware nag uusao kaming lahat. Syempre yung mani tinago namin para hindi halata na kami ang nagbato.
Tapos kanina loko sila Heehul at Choi. Akala kasi nila baba na kami sa jeep kaya naka ilang beses silang para. Edi si manong driver naka ilang tigil dahil sa kanilang dalawa. Tawa na lang kami ng tawa nung nagalit na yung driver. Dahil don, pinababa na kami ng jeep. Wala naman kaming magagawa kundi bumaba na. Malapit na rin naman yung bahay namin.
Tas habang naglalakad, si Shina nakadampot ng pusa. Pinakita pa saamin. Nung pagkalapag niya sa lupa yung pusa, biglang tumae kaya diring diri siya. Tinawanan naman namin siya. Yan kasi basta basta na lang kumukuha hahaha.
Nung malapit na kami sa bahay, biglang natisod si Jin sa isang paso sa kapit bahay namin. Dahil don, nabasag yung paso kaya tumakbo agad kami.
Hahaha mga gago lang kami hahaha.
Sakto ang uwi namin dahil nag lalagay na ng plato si nanay sa lamesa. Alam na alam niya na kasama ko ang WTF.
Ang ulam namin ngayon ay liempo!!! Gosh bagong luto ansarap.
"Hi nay! Kamusta po?" Bati nila Heehul kay nanay at ako naman ay diretso sa hapag kainan.
Hahaha favorite ko talaga yung lutong liempo ni nanay at alam ni nanay kung bakit hindi ko siya binati. Hahaha!
"Hoy babae! Iniwan mo kami dito!" Rinig kong pagmamaktol ni Shina. Narinig kong nagsalita si nanay.
"Intindihin niyo na lang siya pag kakain siya ng liempo." Natatawang sabi ni nanay.
Habang naglalakad sila papuntang hapag kumuha na ako ng isang piraso ng liempo saka nag lagay ng kanin. Balak ko sanang mag kamay pero madumi ang kamay ko kaya agad ako tumayo. Sakto naman na pagtayo ko kakupo lang ni Jin na nasa tabi ko sa kanan.
"Where are you going?" Pagtatanong ni Jin. Pinakita ko yung dalawa kong kamay senyales na maghuhugas lang ako ng kamay.
"Saan kayo galing ngayon? Mukhang masaya kayong lahat ah." Pag oopen up ng topic ni nanay at ako naman ay bumalik na sa hapag.
"Naman nanay! Galing kami ng quantum kasi sila Lee at Heehul hindi pa nakakapunta dun kahit nung bata pa sila." Pang aasar no Choi sa dalawa.
"Mukha mo. Palibhasa ikaw yan lang anh ginawa mo nung bata ka. Quantum here, quantum there." Pambawi naman ni Heehul.
"Wag kayo mag away sa harap ng kainan. Masama yan." Pagsasaway ni nanay. Natawa naman ako.
Nag dasal muna kaming lahat bago mag simulang kumain. At nang matapos kong sabihin ang Amen, sabay kumurot ng liempo at sinubo agad. Lord, sorry kung ambastos ko. Excited lang po eh! Hahaha
"Hinay hinay lang sa kain Gabriela. Hindi ka namin uubusan." Natatawang sabi saakin ni Shina.
"Wag kayo! Da bes ang lutooooo ni nanay!!!" Pagsasalita ko.
"Eto na naman ang anak kong magaling mambola." Sabi ni nanay.
"Totoo naman na masarap luto niyo." Pagsingiti ni Suna. Natawa ako.
"Sabi sainyo eh!" Sagot ko naman.
Kung ano ano pa pinagusapan namin. Si nanay naman kahit hindi nakaka relate sa mga pinag uusapan namin like sa mga kpops ganon nakikisabay na lang si nanay.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend
FanfictionA man from South Korea. Trying to be a true Filipino and he met me. Hello everyone, I want to introduce to you My Boyfriend.