47
Nasa bahay na ako ng bandang 6 pm kagabi. Hindi ako nagpahatid kay Jin sa bahay dahil feeling ko na isang preso ako na kailangan may bantay kahit saan pumunta dahil baka makatakas ako.Syempre siya ayaw naman niya sa gusto ko pero wala siyang magagawa dahil yun ang gusto ko. Umuuwi naman ako ng ganitong oras dati at panatag ang loob ko na walang rapist o holdaper man sa barangay namin.
Si nanay grabe. Sila Jin ang inaabangan sa bahay at hindi ako. Hahaha
Tuwang tuwa si nanay nung nalaman niya ang good news ko about sa test.
Kung dati sa IG kami laging nag uusap. Ngayon sa text na. Naks, improving! Hahaha.
Habang nasa kalagitnaan ng gabi nag tetext kaming dalawa ni Jin. Tas si nanay biglang sabi,
"Ang harot niyong dalawa. Matulog na kayo."
Tawa ako ng tawa habang tinetext kay Jin yung sinabi ni nanay. Sabi na lang ni Jin na goodnight na raw, see you tomorrow na lang daw. HAHAHA
Maaga akong gumising kinabukasan. Ako na nagluto ng almusal namin ni nanay para naman makapag pahinga si nanay.
Jusko aga aga nag tetext na si Jin. Parang walang ginagawa eh hahaha.
Me: Aga mo naman magising.
Jin: I have to practice more.
Me: Puwede naman siguro sa pagsikat na lang ng araw ka mag practice noh?
Jin: I should see you first in the morning then after that we WTF will go to the morning-afternoon club to perform. I don't have time later to practice.
Napangiti naman ako dahil dito. Gumising siya ng maaga para mag practice kasi mamaya hindi siya makakapag practice kasi kailangan niya akong makita.
"Anak, ang aga mo nagising."
Napatingin ako sa pintuan ng kusina at nakita ko si nanay na papalapit na saakin. Sakto ang gising ni nanay.
"Aalis kasi ako ng maaga. May group work kami eh." Pagdadahilan ko saka kumaway na kay nanay.
Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang mag sinungaling kay nanay para lang makaalis ng maaga. Puwede ko naman sabihin na makikipag kita ako kay Jin ngayon kasi nga mamaya wala siya.
Hayaan na nga. Wala namang masama sa gagawin ko. Hindi naman ako nag cucutting classes or makikipag tanan eh. Hahaha
5:30 nang makarating ako ng campus. Wala kaming usapan ni Jin na magkikita kami ng ganitong oras. Actually parang laging maaga siya pumupunta dito para lang makita ako. Wow, artista lang ang peg hahaha.
Umupo ako sa mga damuhan. Hindi pa nag bubukas ang campus dahil mamayang 6 pa yan magbubukas.
"Gabriela?"
Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko at nakita ko si Jin na naglalakad papalapit saakin.
Ngumiti ako saka kumaway.
Iba talaga epekto ng isang toh saakin eh. Makita ko lang siya napapangiti na ako hahaha.
"Too early huh?" Natatawang sabi ni Jin saka umupo sa tabi ko.
"Wala lang... Trip ko lang..." Sabi ko at ngumisi.
"Oh really?"
"Oo kaya!"
"Too defensive girl."
"Mr. Jin Park, ano ang gusto mong iparating saakin?"
"Umm... Nothing? It looks like you really want to see me before sunrise?"
BINABASA MO ANG
My Boyfriend
FanfictionA man from South Korea. Trying to be a true Filipino and he met me. Hello everyone, I want to introduce to you My Boyfriend.