42
Panaginip.
Hiniling ko na sana panaginip ang lahat. Simula nung nawala si papa, nawala sa buhay ko si Jiro at dumating si Jin kasama ang WTF. Kasabay ng pagkawala nila.
Hiniling ko sana pagkamulat ko ng mata, bubungad saakin ang talalak ng nanay ko dahil late na ako gumising. Pag dating ng uwian, doon ako aabangan ni Jiro.
But this is the reality and not a dream.
Hindi ko alam kung naiiyak ba ako sa oras na ito, o nalulungkot o masaya o galit o kung ano man. Wala akong maramdaman.
Ang tanging nasa isip ko lang, nasa Korea na si Jin.
Grabe siya! Ni-hindi man lang nagpasabi na aalis na pala sila. Ni-hindi man lang nagpaalam ng maayos. Grabe talaga siya!
Tiningnan ko ulit sa pang sapung beses ang message niya sa IG.
Going back home. Sorry for not saying goodbye.Halo halong emosyon ang nararamdaman ko pag tuwing nababasa ko ito.
Simula pagkagising ko, eto na agad ang ginawa ko. Hindi man lang ako nagparamdam kay nanay na gising na ako.
Parang kailan lang, sabi ko sa loob loob ko na sana wag muna dumating ang araw na kailangan niya iwan ang bansa namin. Dahil babalik na siya kung saan siya talaga nararapat. Kaso eto na eh, hindi ko man lang napaghandaan ang araw na ito.
"Kainis ka! Buwisit..." Tanging nasabi ko at hinablot ang tuwalya sa lamesa.
Bahala siya sa buhay niya. Buwisit pagkatapos ng mahigit isang buwan naming pagsasama? Ganyan na lang siya? Akala ko ba nililigawan niya ako? Bakit naging ganon na lang bigla?
Che! Maliligo na lang ako. Para magising sa katotohanan na kahibangan ko na lang ang lahat nang nangyayari.
Sabi sayo eh. Sino ba ako para magustuhan ng isang tulad ni Jin?
"Nak, kain na." Bungad saakin ni nanay pagkalabas ko ng kuwarto.
Tumango ako habang naglalakad patungo sa hapag.
Jusko, si nanay walang ka-alam alam sa nangyayari. Hindi niya alam na wala na ang WTF sa Pilipinas. Wala man silang respeto? Pagkatapos silang ituring na anak ni nanay?
"Nay..." Pagsasalita sa kalagitnaan ng kainan. Kailangan malaman ni nanay toh. Masasaktan siya panigurado dahil naging mahalaga din ang WTF sakanya.
"Bakit?" Tanong niya habang nakatuon pa rin ang pansin sa pagkain.
"Tungkol kala Jin..." Panimula ko na agad napatingin saakin ng diretso. Huminga ako ng malalim para makakuha ng lakas ng loob sabihib ang dapat. "Umalis sila kagabi..." Tanging nasabi ko pero hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya.
"Oh? Ano problema don? Aalis sila kasi diba nasa Laguna sila? Baka naman babalik na sila ngayon." Tanging nasabi ni nanay at parang naiilang pa siya saakin.
"Nay hindi yon..."
Napatingin ako sa kawalan. Ayaw pa rin rumehistro sa isip ko na nasa Korea na talaga sila Jin sa oras na ito. Grabe talaga!!!
"B-Bumalik na sila ng Korea kagabi... Nagpaalam saakin si Jin sa text..." Nakayuko kong kuwento.
Tumulo ang ayaw na lumabas na luha ko kagabi pa.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend
FanfictionA man from South Korea. Trying to be a true Filipino and he met me. Hello everyone, I want to introduce to you My Boyfriend.