40

0 0 0
                                    

40

"Wag mo muna ako talikuran, Gabriela."

Bago pa ako makaalis papasok sa bahay ay tinawag ako ni Rebecca.

Natatandaan niyo pa ba si Rebecca? Si Rebecca kasi yung cheerleader sa school nila Jiro ni ipinalit saakin.

"May bibilhin ka ba?" Nakangiti kong tanong pero syempre, peke yon.

"M-Marami akong gustong ipaalam sayo." Mahinahon niyang sabi.

Nung una, nagaalanganin akong pumayag na makipag-usap sakanya. Kaso mamaya iisipin ko ng iisipin kung ano ang mga bagay na gusto niyang sabihin kayo um-oo na lang ako.

Lumabas ako ng tindahan para makaharap siya. Saka ako umupo sa upuan dito.

"Ano yon?" Pagtatanong ko. Naka uniform pa rin siya ngayon halatang kakatapos lang ng klase nila.

"Gusto kong... Magsabi ng sorry..." Panimula niya na ikinataka ko.

"Sorry para saan?" Tanong ko agad.

"Wag ka muna magsalita o magtanong. Hayaan mo muna ako." Sabi niya kaya nanahimik ako.

"Unang una sa lahat, wala akong ginawang mali. Kahit din si Jiro..."

Gosh, Jiro nanaman.

"Alam kong naging ganito rin yung pakiramdam mo sakanya. Yung kakaiba na ang nararamdaman mo sakanya. In short, in love ka. At dahil in love ako, hindi na ako nag aksaya pa ng oras. Friends kami sa school pero stangers sa labas. Hanggang sa isang araw, naging close kami kasi kaming dalawa ang magkakampi sa quiz bee one time. Doon nag simula lahat lahat kaya mas lalo ako na-inlove sakanya. Believe me, hindi ko siya nilandi. Aware ako tungkol sainyong dalawa dahil kinukuwento ka niya saakin. Kaso one day, sinabi niya saakin na out of love na raw siya sayo at nalipat na saamin. Hanggang humantong sa ganitong sitwasyon."

Hindi ako nag-react sa mga sinasabi niya. Seryoso lang ako nakikinig sakanya. Kung mag rereact man ako, huli na ang lahat at wala nang magbabago pa sa mga nangyari.

Hindi ako apektado sa mga sinasabi niya, promise.

"Kaso nung punahon na tumigil na siya panliligaw sayo, yung tumigil na pati ang communication niyo. Ikaw lang ang nagibg bukang bibig niya saakin. Kaya everytime na gusto ka niya makita, lagi akong nasa tabi niya para ipa-mukha sayo na akin na talaga siya. Kaya kasi niya gusto kang makita kasi naalala niya raw yung itsura mo nung nahuli mong pinaglalaban niya ako sa isang lalaki. Kaya nag-aalala siya kung ano na nangyari sayo since wala na siyang balita tungkol sayo. Dumating yung kinakatakutan kong araw, yung tatanungin niya ang sarili niya na tama bang ma-out of love siya sayo? Kung tama ba ang desisyon niya na mahalin ako? Kung tama ba na ipaglaban niya ako? Kung tama ba na iwan at i-suko kung ano man meron sainyong dalawa? Kasi ang naging sagot niya don sa lahat mali. Mali na na-out of love siya sayo, mali na minahal niya ako, mali na ipaglaban ako, mali na iniwan ka niya at sumuko na lang. Mali lahat, maling mali..."

Bigla ako nakonsensya ng makitang tumulo ang luha ni Rebecca. Kahit mukhang mataray siya, alam ko deep inside may mabuting puso siya. Kaya ngayon hindi na ako magtataka kung paano nagkagusto sakanya si Jiro.

"Sinabi niya lahat saakin kung ano ang naging desisyon niya. Walang pagdadalawang isip at nakipaghiwalay na siya saakin. 2 weeks lang ang tinagal ng relasyon namin. Ayaw ko man ang naging desisyon niya, kaso ayoko magmukha naghahabol sa pagmamahal. Matagal na kaming di nagpapansinan kung alam mo lang. Nag-usap lang kami nung isang araw, humingi siya nang favor na puntahan ka ngayong araw. Gustuhin man niya na siya ang pumunta sayo, hindi niya magawa dahil may naka bakod na daw sayo."

My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon