13

1 1 0
                                    

13

Wala sa plano ko ang magpanggap na girlfriend ako ni Jin. At hindi ko alam na nasabi ko kala Jiro na boyfriend ko si Jin.

Napapikit ako sa kahihiyan.

Kung ano ano pa pinagsasabi ko sa sarili ko!

"M-May boyfriend ka na?" Gulat na tanong ni Jiro.

Bakit? Hindi ba ako puwede mag ka boyfriend?

Ang sarap sabihin kay Jiro yan.

Hindi pa rin ako bumibitaw kay Jin at nginitian si Jiro.

"Oo, siya yon. Siya yung kasama ko nung mag-isa ako. Siya willing mag-intay para saakin. Kaya dapat lang na makuha niya ang oo ko." Madiin kong paliwanag para mapukha ko sa lalaking ito ang mga sinayang niya.

"Ah! Aalis na din kami. May lakad pa kami eh. Bye!" Sabi ko sakanila at hinila si Jin.

Paano ko ieexplain kay Jin toh? Sasabihin ko na 'sige na, girlfriend mo ako at ikaw ang boyfriend ko kunwari. Mapa mukha ko lang sa hinayupak na yon yung mga sinayang niya' ganon ba?!


"Wait a minute!" Sabi ni Jin habang tumatakbo kaming dalawa.

Che! Manahimik ka muna! Wala pa akong maisip na explanation!

Ano ba kasi tong pinasok ko eh.

Huminto ako sa pagtakbo dahil bumitaw siya.

Napatingin ako sa puwesto kung saan niya binitawan ang kamay ko.

Ganon pala kadali ang bumitaw. Kahit gusto mong tumakbo kasama siya, hindi mo ito magagawa kasi bumitaw na siya.

"Why do we need to run?" Tanong niya at halatang hingal na hingal na.

Si Jiro...

Alam kong naiintindihan niya ako. Alam niyang study first ang motto ko.

Pero akala lang pala yon.

Kung tunay niya akong mahal, hindi niya ako susukuan intayin. Hindi naman sa nagiinarte ako, hindi rin sa pinapatagal ko yung panliligaw niya saakin, iba pa rin yung pag nagka boyfriend ka, alam mong kaya mo ng mabuhay na kayong dalawa na lang. Yung wala na kayong kapit sa magulang niyo. Yung kayo na bumubuhay sa sarili mo. Iba din yung may maipagmamalaki kayo sa isa't isa kasi nakatapos kayo.

Iba din yung siya na ang first mo. First and last boyfriend, first and last husband etc. Yung sigurado ka na sakanya kumbaga. Yun ang gusto kong mangyari sa lovelife ko.

Pero heto ako, napagiwanan dahil diyan sa mga relationship goals na gusto ko.

"Hey Gabriela, are you okay?"

Napatingin ako sakanya at nakita ko ang gulat na bumukas sa mukha niya.

Mukha ba akong monster sa harap niya?

"W-Why are you crying?" Nauutal niyang tanong.

Napahawak ako sa pisngi ko at totoo nga, umiiyak ako.

I never imagine myself, crying in front of  the other people. But now... Hays.

Agad ko itong pinunasan dahil nakakahiya talaga kay Jin na makita akong umiiyak.

Naramdaman kong may umakbay saakin kasabay non ang may nagpunas ng luha ko gamit ang mga daliri niya.

It's Jin...

"Sometimes, we think running is the best solution to forget all the things that made us insane. But sometimes, we need to face it instead of running."

Tulala ako habang nakatingin sakanya.

Nababasa niya ba yung iniisip ko? Or sadyang obvious lang yung mga kinikilos ko?

"Ex boyfriend?"

Napatingin ako sakanya. He's smiling like he wants to comfort me.

Tumango ako ng dahan dahan kasabay ng pagtulo ng luha ko.

"I don't know what to say coz I never had a girlfriend so..."

Gulat akong napatingin sakanya.

SA GWAPO NIYANG YAN, WALANG MAGTATANGKANG BABAENG MANLILIGAW SAKANYA?!

"What?"

"You never had a girlfriend for real?" Gulat kong tanong.

"I know I have that kind of looks that girls want. But love doesn't depend on our appearance."

May point siya. AT WOW ALAM NIYANG GWAPO SIYA. HAHAHAHA. 

"I don't think it's not right to introduce me as your boyfriend... It looks like you want your ex to get jealous... "

"Well your right." Deretsahan kong sabi. "I want him to know what he left. He choose a girl that can make his life miserable. He choose that bitch over me!"

Hindi ko mapigilan na sumigaw. Wala na akong pake kung andito kami sa gitna ng karsada. Mabigat tong dinadala ko... Kailangan ko ng ilabas.

"He is not my ex boyfriend, for your information." Sabi ko dito. "He is just my suitor that wanted to wait until the right time. But what happened? He didn't wait, he gave up."

Nakatingin lang saakin si Jin.

Alam kong wala siyang masasabi saakin kasi naman wala siyang experience. Naiintindihan ko siya. Pero masakit talaga...

"He didn't wait... He didn't wait... " tanging nasabi ko at sumabog na ang luha ko.

Hindi toh ang first time kong umiyak nang dahil kay Jiro. Pero iba pa rin na umiiyak ako dahil lang pinagpalit na niya ako.

Iniyak ko lahat. Lahat lahat na dala dala kong luha simula nung umalis na siya at tinalikuran ako.

Hindi ko kinakaya... Wala akong puwedeng masandalan. Dahil yung tao na puwede kong masandalan ay si Jiro lang.

Pero nasaan na siya? Wala na, iniwan na niya ako sa ere.

Habang umiiyak ako, ramdam ko na may unting unting yumayakap saakin.

The next thing I knew, Jin was hugging me in front of many people right now.

My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon