23

0 1 0
                                    

23

Nakaraos ako sa araw na nasaksihan ng mga kaibigan kong lalaki ang RED DAYS.

Nakahiya kaya yon! Si nanay di ko alam kung nanadya ba nung panahon na yon na asarin ako. Aba sinabi ba naman na may regla ako!

Natapos na yung issue tungkol sa tatay ko. Nakausap na namin yung babae na gumawa non at nagkalinawan na kami.

Masyado siyang nayabang raw saakin chuchuchu kaya nagawa niya yon. Tapos nagkakopya raw siya nung pictures na yon dahil nakita niya daw sa bag ko iyon at alam niyang yun ang kahinaan ko.

Sa susunod sa bahay ko na lang ilalagay ang mga ganong bagay. Hindi ko alam na may mga pakilamero dito sa school. Tsss.

Edi ako, ayoko na pahabain ang sitwasyon at hinayaan na. Bilang pasura, 1 week suspension ang binigay sakanya dahil don.

Matagal na rin simula nung na suspend siya. Actually pangatlong araw na niya ito.

"GABRIELA!"

Naipikit ko ang mata ko dahil sa mga lalaki na nasa gate na tinawag ang pangalan ko. Halos lahat sila ay tumingin doon dahil ang ingay nila.

Hays... Etong mga toh hindi na nila pinatahimik yung kaluluwa ko!

Kung dati si Jin lang ang laging pumupunta dito sa school ko. Aba sinama ang buong angkan niyang na ang WTF!

Agad ako tumakbo papunta sakanila para tahimikin.

"Huy! Mga sira ulo ba kayo?! Ang ingay niyo!" Inis kong sabi sakanila.

"Hindi ka na nasanay!" Tuwang tuwang sabi ni Chohuik.

"Gagyu." Mura ko dito at inirapan.

"Ikaw ah, napapadalas na ang pag mumura mo!" Pag saway saakin ni Lee.

"Mukha mo, sa tagal tagal ngayon ngayon ka lang nagsalita." Pang iinis ko dito.

Para simula nung nagkaroon ako saka ko narinig ang ang boses niya. Samantalang tong iba nilang kasama ang dadaldal!!!

"Ooopss! Diba Gabriela libre mo kami ngayon?" Biglang singit ni Mini na ikinataas ng kilay ko.

"Isa ka pa. Kailan ka lang nagsalita." Sabi ko dito na tinawanan sila nila Jin. "Dahil diyan kayong dalawa ni Lee ang manlilibre!" Masaya kong sabi.

"Aba!"

"Iba ka!"

Tawa kami ng tawa dito dahil alam nila na naisahan ko sila. Nangako kasi ako kahapon na ililibre ko sila ng kwek kwek ngayon pero dahil mahilig ako mantrip joke lang yon. HAHAHA

Nagsimula nang maglakad sila Jin at sila Lee at Mini ay hindi na makagalaw sa kinatatayuan nila kaya inakbayan ko silang dalawa.

"Okay lang yan. Babawi talaga ako next time." Sabi ko sakanila at nginitian ng ngiting nakakaloko saka hinila sila.

Ang suwerte ko talaga kasi kahit mga lalaki sila nakaka sabay ko ang trip nila. Para tuloy kuya ko sila.

Kuya? Jusko wag na lang pala. Masyado silang makukulit. Hahaha

"Ang sarap talaga ng orange egg!" Tuwang tuwang sabi ni Choi habang tuma talon talon pa.

"Yah, it's kwek kwek not orange egg." Pagtatama sakanya ni Jin.

"Whatever! Basta kahit ano pang tawag dito ansarap pa rin!" Sabi nito at sinawsaw ulit ang kwek kwek sa suka.

"Buti na lang talaga pinakilala saatin ni Gabriela ang kwek kwek. Sa tingin ko alam ko na ang hapunan natin mamayang gabi." Biglang sabi ni Shina.

My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon