5
Sembreak na.
Samantalang si Jiro ay last day na nila ngayon at sembreak na.
Lumipas ang araw ay bumalik ulit sa dati ang takbo ng mundo ko.
Nagbago na si Jiro. Pag tuwing may away pinipigilan niya na magalit.
Nag improve si Jiro ngayon. Siguro natauhan na sa nasabi ko.
Kahit wala na si papa, masasabi ko na naging masaya ako. Natanggap namin ni mama ang pagkawala ni papa. At finally natanggap na rin ni mama si Jiro. Pero hindi pa ganon ka full percent ang pagtanggap niya. Pero kahit papano may konti pa rin sa puso ni mama na makakabuti si Jiro para saakin.
Next year graduate na ako sa pagiging high school. Ilang years na lang din at tapos na ako sa pag-aaral.
Hindi ko na mahintay ang mga darating na araw. Sobrang excited na ako makatapos para matulungan na si mama.
Sa panahon ngayon wala pa sa isip ko na mag trabaho. Hindi pa kasi ako handa baka ikahimatay ko lang.
On the way na ako sa school ni Jiro para sabay kami kumain ulit ng lunch.
Kada tuwing pumupunta ako, si kuyang guard laging kuwento ng kuwento sakin na laging may kasama ang barkada ni Jiro na cheerleader. Nalaman niya rin yung pangalan ng babae at Rebecca raw ang pangalan.
"Hi kuyang guard!" Bati ko sa guard.
"Oh, Gabriela nandito ka ulet."
"Nako kuya alam mo naman pakay ko dito."
"Oo na. Heto ang visitor pass." Sabi ni kuya at inabot ang visitor pass ID saakin.
Inilagay ko ito sa bag pero biglang may sinabi si kuya.
"Gabriela, payo ko lang. Mag-ingat ka sa mga lalaki katulad ni Jiro. Lalaki ako at alam ko ang mga ugali ng lalaki."
Medyo natulala ako sa babala ni kuyang guard.
"N-Nako kuya! Hindi mangyayari yan." Sabi ko na lang at iniwan na siya roon.
Alam ko ang pinahihiwatig ni kuyang guard. Pero may tiwala ako kay Jiro.
Habang papalapit na sa building nila Jiro ay nakita kong may nagkakagulo.
"Man! Stop it!"
"What the fuck?!"
Mukhang may nag aaway dito.
Na curious naman ako sa mga estudyante na nandito kaya naki kumpulan na ako.
Wala bang teacher o guard na aawat sa mga nag aaway?
Pagkapunta ko sa unahan ay nagulat ako sa nakita ko.
Si Jiro na may dugo sa gilid ng labi.
"Tama na... Itigil niyo na... " naiiyak na sabi ng babae na naka uniform ng cheerleader.
Napatingin si Jiro sa babae at nilapitan ito.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend
FanfictionA man from South Korea. Trying to be a true Filipino and he met me. Hello everyone, I want to introduce to you My Boyfriend.