34

4 0 0
                                    

34

Kanina pa akong kating kati na umalis dito sa room. Ni-wala na nga akong panahon para makinig sa teacher namin.

Kagabi ang huling paramdam saakin ni Jin. Nung umuwi sila nag chat pa kaming dalawa sa IG.

Infairness ah, pinost niya yung sunset kagabi. With caption na "sunset with a beautiful girl."

Taena, ang daming nag tanong tanong kung sino daw yung babae na yon. Kahit naka hangul lahat ng comment, nag tiyaga ako itranslate yon sa english. Hahaha

Expected ko kaninang umuga na nasa campus siya. Mahigit kalahating oras akong nag-abang sakanya sa labas ng campus pero wala siya.

Nasan ba yon? Di man lang lang nagsabi kung saan pumunta taena.

Pagka-ring pa lang ng bell ay agad ako lumabas ng room para tignan kung nandoon si Jin.

Nagsikap akong hanapin siya pero hindi mahalagilap ng mata ko si Jin.

Maybe nasa trabaho? Kaya wala.

Hay... Eto ata ang unang beses na uuwi ako na hindi ko nakikita si Jin.

Gosh Gabriela, ilang beses ka ng umuuwi mag-isa na hindi mo nakikita si Jin. At hindi ito ang first time mo.

Hay tanga tanga ko talaga mga bes.

"Gabriela."

Agad akong lumingon sa taong tumawag saakin. Nanlaki ang mata ko ng makita siya.

"Omaygash..." Reaksyon ko ng makita siya dito.

Sampung taon na ang nakalipas simula nung nakita ko ulit siya. At ngayon nagbabalik na siya.

"Tititigan mo na lang ba ako?" Medyo garalgal niyang tanong saakin. Agad ko naman siya sinugod ng yakap dahil sa pagka-miss.

Ang taong nagpakilala saakin ng mga kpop, ang taong nagpasok saakin sa mundo ng kpop. Gosh nakita ko ulit siya!

"Buwisit ka, insan! At kelan mo pa balak magpakita saakin?!" Galit kong tanong dito sa babaitang ito na niyayakap ko.

"Eto na nga eh! Nagpakita na ako bruha!" Natatawa niyang sabi pero umiiyak pa rin siya.

Siya si Yassy Salazar. Ang buwisit kong pinsan. HAHAHA Obvious naman siguro na sa father side ko siya pinsan noh? Base pa lang sa apilido. HAHAHA

Tatlong magkakapatid sila papa. Si papa lang ang nag-iisang lalaking anak.

Ang sabi saakin, yung isang kapatid na babae nila papa ay namatay na. Bago pa daw ako isilang namatay na daw yung tita ko. Namatay daw siya nung pinanganak niya ang anak niya. Kaso daw pati yung anak niya namatay rin. Nawalan ako ng tita at pinsan. Sad

Pero masaya ako kasi sa angkan nila papa may isa pa akong pinsan. Nag-iisa din siyang anak katulad ko. At eto nga, si Yassy.

Matanda siya saakin ng dalawang taon pero wala akong balak tawagin siyang ate. HAHAHAH

Umalis sila last 10 years dito sa Manila. Pumunta sila ng probinsya dahil daw magbabakasyon. Aba at tumagal ng sampung taon ang bakasyon.

My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon