45
Umagang kay ganda nga naman.
Suot ko ang napaka lapad kong ngiti ngayong araw. Hindi ko alam pero sorbrang saya ko ngayon kahit wala naman akong ginagawa simula pagkagising ko.
Well~ Hindi na ako magtataka.
Eh keshe nemen~ Naalala ko yung kagabi. Sheteeeeee!!! Nag I love you sakin si Jin!!!
Tandang tanda ko pa yon. Tapos wala akong masagot sakanya kasi hindi naman ako sanay mag I love you too hahaha! Kahit nung panahon na may something samin ni Jiro never sumagi sa isip ko ang salitang I love you.
Ang tanging naisip ko lang non pinakita ko sakanya ang mini heart ko. Yung mini heart ng Korea. Hahaha! Buti lang na gets niya yon.
Nag text saakin si Choi gamit ang number ni Jin. Sabi niya hindi raw pupunta ng umaga si Jin kasi tulog pa. Lakas pa raw humilik. Haha!
Nag reply na lang ako ng okay lang. Wala namang problema kung hindi siya pumunta. Ang ayoko lang, hindi ko siya makita sa isang araw. Kasi mararamdaman mo agad yung pagka-miss mo sakanaya at ayoko mangyari yon.
Na-weirduhan ang mga kaklase ko saakin kasi iba ang ngiti ko ngayon. Ngumingiti naman ako dati pag tuwing pumapasok pero iba pa rin yung ngiting... In love. Hihihi
"Uyy! Blooming si Gabriela ah!" Medyo pang-aasar saakin ng kaklase kong si Paula. Nginitian ko siya.
"Hindi ah!" Pagtanggi ko. Wow lang Gabriela, makasabi ng 'hindi ah' akala mo close kayo. Haha!
"Yiii in love na si Gabriela natin!" Sabi naman ni Teresa. Umiling ako.
"Ang dami niyong kalokohan!" Tanging nasabi ko. Tumingin pa ako sa ibang anggulo dahil feeling ko namumula ako. Totoo naman kasi yung sinabi nila.
Grabe ka Jin, lakas mo rin eh! Haha!
Medyo tumaas ang kilay ko ng makita ko si Vince na titig na titig saakin. Hindi siya umiiwas ng tingin kahit na nakatingin ako sakanya. Nag wave pa akong kamay para tingnan kung saakin ba talaga siya nakatingin pero ganon pa rin siya.
Natulala? Ampu hahaha. Bigla na lang siya kinalbit ng kaklase namin kaya mukhang natauhan.
Nakakapag taka naman. Nakatitig siya saakin? May problema ba?
Aishhhh never mind. Gabriela, focus muna sa studies lalo na't nandito ka sa school. Mamaya na muna landi HAHAHA!
Pero wag kayo! Never ako lumandi! Joke lang yung part na 'mamaya na muna yung landi'. Muwehehehe
Nakuha naman ng teachers ko ang buong atensyon ko. Nakakapag recite pa naman ako kahit papano. Never pa akong na-distract sa school.
Excited na ako umuwi. Nag text kasi si Jin nung lunch time ko na pupunta daw ang WTF dito sa school para sunduin ako. After daw non may pupuntahan kaming lahat. Sino ang hindi ma-eexcite don? Kasama ko sila lalo na si Jin.
Yiiiii~ aym so kenekeleg. Haha!!!
"Class malapit na ang exam week so better review now before other things." Pag reremind saamin ng adviser namin. Sinulat ko na sa notebook ko ang mga dapat na ireview na nakalagay sa board. Madadali lang toh!
"You may now go home." Pagdidismiss saamin at nilayasan na. Hahaha grabe si ma'am eh, walang goodbye.
Tinago ko na ang notebook ko sa bag. Hindi ko pa malagay ng ayos sa bag dahil sa pagmamadali. Eh kase naman, nae-excite na talaha ako. Haha!
BINABASA MO ANG
My Boyfriend
FanfictionA man from South Korea. Trying to be a true Filipino and he met me. Hello everyone, I want to introduce to you My Boyfriend.