33
Hindi ako tanga para hindi isipin na balang araw, babalik si Jin sa Korea. Kasi tulad nga ng sabi ko, doon ang tirahan niya.Taena lang Gabriela, bakit yun kasi ang iniisip mo ngayon? Bakit hindi mo isipin na wala ka dapat sinasayang na oras hangga't nandiyan siya.
Gosh, wag mo na lang isipin na aalis siya! Yeah right, dapat lang.
"Gabriela... I know this is a stupid question but I want to ask you about something." Pagsasalita ni Jin sa kahabaan ng katahimikan namin.
Malapit nang mag sunset at nandito pa rin kami ni Jin sa lugar kung saan una kami nagtagpo ng landas. Pagkatapos ng usapan tungkol sakanila, nanatili kami na tahimik na parang iniisip ang mga bagay bagay na dapat itanong o sabihin.
Pero ako, dinadama ko ang oras na ito dahil magkasama kami. Ayoko sirain yung moment noh.
"Ano naman yun?" Tanong ko habang nakasandal sa balikat niya.
Wala lang saamin kung nakasandal ako sa balikat niya since nakasanayan ko na rin dati pa.
Hindi ko din alam kung paano kami naging close, naging mag kaibigan. Tapos naging ka close na rin niya si nanay.
Ang alam ko lang, nagsimula ang lahat nung lagi siyang pumupunta sa school ko.
"Do you have... Plan to like me?"
Napapikit ako ng mariin sa tanong niya.
Dafuq Jin, I already like you.
Hindi ko inalis ang ulo ko sa balikat niya at naglakas loob sagutin ang tanong niya.
"O-Oo..."
"Then, can you be my girlfriend?"
Nagulat ako ng bigla akong hinarap ni Jin sakanya. Pero sa una lang ako nagulat dahil natawa ako sakanya. Ibig sabihin ba, dahil lang sa sinabi ko na may plano akong gustihin siya kailangan maginh kami na? Hahaha ganon ba ibig niyang sabihin?
"Why... Are you... Laughing...?" Naguguluhan na tanong ni Jin kaya mas lalo akong natawa.
"Look Jin... Ganito kasi yon..." Panimula ko sa sasabihin ko. "Wag mo ako madaliin. Matuto tayong magantay sa tamang panahon na mangyayari ang ganitong bagay."
"Then... What do you mean?"
"Gosh Jin, days pa lang ang tinatagal ng panliligaw mo. Pangalawang araw na ngayon, FYI lang." Natatawa kong sabi.
"Aigoo... Why not now?"
"Right time bes." Sabi ko dito at tinapik tapik pa.
"But wait..."
Napatigil ako sa pagtapik tapik niya.
"Did you just said that... You have plans to... Like me?"
Medyo namula ako sa tanong niya dahil sa kahihiyan. Puta Jin ibabato na kita sa ilog pasig HAHAHA.
"Uhh... Yeah?" Sagot ko.
Lumapad agad ang ngiti niya at agad akong niyakap.
"I really love you Gabriela... I'm willing to wait until the right time."
Natigilan ako sa paghinga dahil sa sinabi niya. I'm willing to wait? Ha, ganyan na ganyan rin yung sinabi ni Jiro saakin dati. Pero ano nangyari? Nga nga na lang.
Kumalas ako sa pagkakayakap na ikinataka niya.
"W-What's wrong?"
"Yung sinabi mo... Ganyan din yung sinabi saakin ni Jiro nung baguhan pa lang kami. Pero eto walang silbi yung sinabi niya."
BINABASA MO ANG
My Boyfriend
FanfictionA man from South Korea. Trying to be a true Filipino and he met me. Hello everyone, I want to introduce to you My Boyfriend.