3
"Anak, tulog na." Sabi ni nanay habang nag aayos ng kumot.
"Opo nay," Sabi ko habang tinetext si Jiro.
To Jiro:
Uyy sorry na. Reply ka naman.
"Nak, nagkatampuhan nanaman?" Tanong ni nanay at umupo sa tabi ko.
Napa buntong hininga ako.
Pag ganito ang akto ko, alam na alam ni nanay ang problema ko. Hay Jiro, kelan ka ba magbabago?
"Alam mo nak, hiwalayan mo na siya."
Hindi na ako magugulat sa sinabi ni nanay. Una pa lang ayaw na niya kay Jiro para saakin. Pero kahit di ako sumusunod sa gusto ni nanay, never siyang nagalit dahil matanda na ako at alam ko na ang tama at mali.
Napatingin ako sa cellphone ng bigla itong nag vibrate. Akala ko text ni Jiro yun pala, notification lang ng YouTube.
"Nay bat kaya ganon si Jiro... Ang bilis magselos." Sabi ko at napakamot na lang sa ulo.
"Nak, ibang klaseng lalaki kasi yun. Di marunong manuyo ng babae." Natatawang sabi ni nanay. "Siya sige at matutulog na ako. Ikaw na bahala manuyo sa nobyo mong akala may meno pause."
Napangiti na lang ako dahil kahit papano ay napangiti ako ni mama.
Halos nakatunganga lang ako sa cellphone ko at hinintay na mag reply si Jiro.Malapit ng mag 10 ng gabi at wala pa rin siyang reply.
Nagpasya na ako na mag YouTube muna dahil na bobored na ako.
Sinalaksak ko sa tainga ko ang earphones ko at nag hanap ng mga kpop chuchu.
EXO Monster MV
BTS Blood Sweat and Tears MV
GOT7 Hard Carry Dance Practice Mirrored
Try not to laugh challenge
KPOP Sad Moments
Boy group dance 18 kpop song!
Nagulat naman ako sa boy group chuchu na toh kaya pinanood ko.
First song ay di ko alam ang kanta. And so on. Pero yung iba alam ko.
Tuwang tuwa ako ng bigla nilang sinayaw yung BANG BANG BANG ng BigBang. Tapos yung lalaking naka mask na may "GET OUT" na nakalagay at naka blue siya na tshirt ba yon? Hahahaha basta yung naka blue.
Idol ko kasi si GD ehhhhh yung puwesto ni GD sa BANG BANG BANG yung lalaki na naka mask.
Like emegesh langggg ang guwapo nung lalaki. Cinoclose up kasi sakanya kaya nakikita ko.
Tinapos ko yung video na kinikilig.
Walang kaso kay Jiro na kiligin sa kpop ha! Mamaya iniisip niyo na nagtataksil ako kay Jiro xD.
Nag comment ako ...
"Who's that guy wearing a mask?"
Sana merong mag reply sakin. Willing ako makilala yung lalaking yon.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend
FanfictionA man from South Korea. Trying to be a true Filipino and he met me. Hello everyone, I want to introduce to you My Boyfriend.