18
"Mali ba ako? Ako ba ang may mali?" Pagsasalita ko.
Malakas ang ihip ng hangin. Sobra kong nararamdaman ang kapayapaan ng mundo.
Nandito kaming dalawa ni Jin, sa lugar kung saan lagi ako dinadala ng aking ama. Ang lugar kung saan ko lagi sinasabi ang mga nagpapabigat sa damdamin ko.
Hindi ko mapigilan mainis at malungkot. Iniisip na ako pa ang nag mumukhang mali sa karamihan ay hindi ko matanggap. Lalo na't alam ko sa sarili ko na hindi totoo ang mga iyon.
Ang buong akala ng lahat, pinaasa ko sa wala ang lalaking naghihintay saakin ng anim na taon. Sa buong anim na taon, naging tapat ba saakin ang lalaking iyon? Baka naman habang ako'y nakatalikod ay pinagtataksilan na niya ako.
Hindi ako naniniwala na isang tulad niya ay hindi hahangarin na lumingon sa ibang babae. Masakit man isipin pero yun ang totoo.
Natural lang daw sa isang tulad niya na naghintay ng ganong katagal dahil sa panahon na iyon ay may handa ng sumalo sakanya. Parang ang nangyari, tumalon na siya sa aking barko at nahulog sa babaeng kayang saluhin siya.
Yun ang naging sitwasyon namin.
"Sabihin mo saakin... Mali ba ako?" Tanong ko sa aking kasama.
Napalingon ako kay Jin na ngayon ay seryosong nakatitig saakin. Aba aba, sineseryoso niya ito.
"Ahh..." May bigla akong naalala. "Hindi ka pala nakakaintindi ng tagalog." Natatawa kong sabi.
Ang tanga ko noh? Hindi siya marunong mag tagalog pero tinatanong ko siya ng tagalog. Parang lang kami, alam kong hindi magtatagal at bibitaw na rin siya saakin.
Tumulo ang luha ko.
"Inaalala ko lang naman ang kinabukasan ko... Gusto ko piliin ang lalaki na alam kong karapat dapat saakin. Selfish ba ako dahil hindi ko hinayaan ang sarili ko na subukan ibigay sakanya ang sagot kong oo? Porket ba... Na mayroon akong pinakilala na bago kong iniibig ibig sabihin paasa ako?"
Pinunasan ko ang luhang tumulo gamit ang aking kamay. Ang aking kamay na dati'y laging nasa palad niya pero ngayon ay nag-iisa siya.
"Sa sarili kong opinyon, masama bang mag mahal ulit pagkatapos maramdaman ang sakit sa puso ko?" Tanong ko. "Bawal na ba ako humanap ng ibang tao na alam ko na kaya niya talagang maghintay?!" Sigaw ko.
Pinagpapawisan ako dahil sa nararamdaman ko. Tumutulo pa rin ang luha ko at wala akong balak punasan ito.
Siya ang kasama ko pag may mabigat akong damdamin... Siya ang nagpupunas ng luha ko kapag tuwing umiiyak ako... Siya ang yumayakap saakin para iparamdam na malalampasan ko ito.
Nasaan na siya? Wala, wala....
"I may not understand what you had said earlier, it doesn't mind." Rinig kong sabi ni Jin.
Lumingon ako sakanya at nakita ko na unti unti sumilay ang kanyang ngiti.
"I may not know what happened, but I know I can be with you to made you smile again." Nakangiti niyang sabi saakin.
Napatingin ako sa palad ko na may unting unti ako naramdaman na mainit palad.
"I want you to know... You can cry all you want in front of me." Sabi niya pa.
"Ha!" Napatawa ako ng wala sa sarili habang umiiling.
"You know... I'm always smiling when I'm with you. This time, even if I want to cry, I won't."
Tuluyan natuyo ang luha sa mata ko.
"I think... It's better to be happy than to be sad... That's why I don't want to cry." Nakangiti kong sabi sakanya.
Agad naman sumilay ang ngiti niya kaya mas naramdaman ko na masaya siya sa aking sinabi.
Tama naman , hindi ba? Ayoko na mag suffer ulit ako sa kalungkutan. Imbis na umiyak, bakit na lang hindi ako ngumiti at magpakasaya? Kalimutan ang mga bagay na nagpapalungkot sakin at ituon ang sarili sa mga bagay na makakatulong na paunlarin ang aking kinabukasan.
"I have a favor." Biglang sabi nito.
"Hmm?"
"I want you... To teach me... How to use your language."
Nanlaki ang aking mata sakanyang kahilingan.
Buong puso ko gagawin ang kanyang kahilingan!
Gosh, never ko pa siyang naririnig mag tagalog. At... Omaygash saakin pa siya nagpapaturo.
"Okay then!" Masaya kong sabi.
Masaya ko siyang tinuruan ng mga basic words na dapat ginagamit sa araw-araw. Tulad ng po at opo. Salamat, walang anuman, magandang araw, ingat kayo atbp.
"
Sa-la-mat." Nakangiti niyang sabi saakin matapos ang malupit na pag-aaral sa tagalog.
Napalapakpak ako ng kamay ng mabigkas niya ng tama ang salitang 'salamat'.
"Magaling!" Sabi ko dito. Ngumiti na lang siya saakin at napailing iling saaking inakto.
Tulad ng paalam ko saaking nanay, uuwi ako bago mag 3 or 4
Kaya heto, pauwi na ako ng bahay."Gabriela..."
Napalingon ako kay Jin. Nakita ko na nakangiti siya at tinatapik tapik ng balikat niya.
"Don't you ever hesitate to cry on my shoulders." Sabi nito.
Ngumiti ako sakanya at sinuntok ng mahina.
"I'm fine." Natatawa kong sabi.
"Ehem ehem."
Agad ako napalingon sa likod ko at nakita ko don si nanay na nakatayo.
Natawa na lang ako sa isip ko dahil ganito din si nanay kay Jiro dati.
Masaya kong nilisan ang araw na ito. Naging masaya ako kahit papano ngayong araw. Kahit na... Parang nag mukhang mali ako sa paningin ng karamihan... Naramdaman ko na may tao pa rin na nagpapahalaga saakin.
Bago ako matulog ay chinat ako ni Jin sa IG.
Shine': still awake?
Me: uh... Yes
Shine': you better sleep... You need to wake up early for your class...
Me: yes father hahaha
Magkaibigan kami ni Jin... Noting more... Nothing less...
I'm officially going back... Who really I am...
Gusto ko makita ng mga tao... Kung sino ba talaga ako... Kung anong ugali meron ako. At humanda kayo dumating ang araw na iyon. Makikita niyo kung sino ang binabangga niyo.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend
FanfictionA man from South Korea. Trying to be a true Filipino and he met me. Hello everyone, I want to introduce to you My Boyfriend.