27
Halos manlaki ang mata ko ng sabay sabay naghubad ang mga lalaki ng pang itaas. Hindi lang ang WTF ang kasali sa agaw buko may iba din naman. Yung mga ibang sumali may mga itsura naman sila pero walang tatalo sa kagwapuhan ng WTF.
Jusko ang pandesal nakalantad!!!
"Anak, ang babata pa nila pero ang ganda na ng katawan nila." Natatawang komento ni nanay sa tabi ko.
"Ganon talaga nay! Gwapo sila eh." Sagot ko dito at binaling na ang tingin ko sa WTF.
Nagsimula na ang laro at halos silang walo ang nangunguna sa pagtakbo. Ambilis nila tumakbo ah!
Taena sila lang ata ang naglalaro dito eh. Sila sila lang nag aagawan sa buko. Hahaha
Matibay si Heehul sa paghawak ng buko at halos magyakapan na sila ni Lee. Tawa sila ng tawa akala mo wala lang sakanila yung ginagawa nila.
Bigla naman nilang nabitawan ang buko na agaran kinuha ni Suna ito sabay takbo. Aba, muntik na makabalik! Kung hindi lang sumingit si Mini.
Silang dalawa naman ngayon ang nag aagawan sa buko. Napunta naman ito kay Mini sabay agaw ni Choi. Hahaha jusko.
Kaso ganon din nabitawan nila at agad pinuntahan ni Jin ang buko.
Tss... Hindi ko alam kung ano paiiralin ko. Kung yung napaka gandang katawan ni Jin o yung babae na gusto niya.
Papunta na sana sa finish line si Jin ng nabitawan niya ito sa dulas. HAHAHA kaya agad ito kinuha ni Lee na siya ang nanalo.
Ano?! Yung ibang lalaki wala nang ginawa?! HAHAHA
"Wooo! Ang galing ni Lee!" Tuwang tuwang sabi ni Choi at nakipag fist bum pa.
Pinalakpakan ko naman silang walo ng makarating sila saamin.
"Galing galing niyo naman!" Tuwang tuwa kong sabi.
"Thanks Gabriela!" Sabay sabay nilang sabi.
Nakipag apir ako sakanilang lahat ngunit napatigil ako nung si Jin na.
"High five?" Tanong niya habang naka angat pa ang kamay nito. Dahan dahan kong nilapat ang palad ko sa kamay niya.
May kasalanan ka pa saakin buwisit ka.
"Omay, siya yun diba?"
"Oo nga yung fafa!"
"Ihhh ang gwapo nilaaaa!"
"Tara pakilala tayo girls."
Napatingin ako sa mga babae na naghihikhikan malapit saamin. If I'm not mistaken, sila yung mga pokpok dito sa barangay namin. Tss.
"Iba talaga ang looks namin noh Gabriela? Gwapo talaga namin." Pagmamayabang ni Lee saakin. Nag bad finger ako dito na ikinatawa niya.
"Excuse me."
Sabay sabay kami napatingin ng WTF sa dalawang babae sa harap namin.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend
FanfictionA man from South Korea. Trying to be a true Filipino and he met me. Hello everyone, I want to introduce to you My Boyfriend.