17
Tulala ako ngayon dito sa classroom.
Hindi na ako pinagalitan ni nanay kagabi pagkapasok ko ng bahay. Nakahanda na ang hapag kainan kaya kumain lang kami kagabi. Nag kuwento ako sakanya ng onti tungkol sa school at sumasagot naman siya saakin.
Natulog agad kami ni nanay pagkatapos magligpit at maligo. Pero syempre ako, nag social media muna.
Hindi nag chat saakin si Jin kagabi.
So ineexpect ko ang chat niya? Maygash hindi!
Nakakapanibago lang kasi... Hindi kami magkausap na dalawa? Luh, ilang linggo pa lang magkakilala tas sabay ganon? Ay pak.
"Miss Salazar?"
Napatingin ako sa may pintuan namin. Nandon ang isang studyante na taga ibang section. Wala pa ang aming teacher so no problem kung itutuon ko muna ang pansin ko doon.
"Ako?" Pagtatanong ko matapos akong lumapit sa babae.
"Ikaw ba si Gabriela Salazar?" Tanong niya
"Oo, bakit, ano kailangan mo?"
"May nagpapabigay," kinikilig niyang sabi sabay abot ng isang papel.Okay? Ano meron dito?
"Kanino galing?" Tanong ko pa.
Aba, ano toh finance letter? Jusmiyo day'. Okay sana kung love letter kaso mukhang finance letter.
"Galing yan sa lalaki. Hindi niya sinabi ang pangalan eh. Pero sabi niya nakagay naman raw diyan yung pangalan." Nakangiti niyang sabi. "Sige mauuna na ako."
Tinanguan ko na lang siya at tinanggal sa pagkakatupi tupi ang papel habang papunta sa aking upuan.
Gabriela, this is Jin. I hope I won't disturb you just because your reading this letter. I just want you to know that I will visit you again later, dismissal time. Don't worry, I know what time you will be dismiss. So good luck there! Fighting! :)
Unting unti sumilay ang ngiti sa labi ko. Sumilip ako sa bintana, nagbabakasakali na hindi pa siya umaalis.
Nakita ko siyang nakatingin saakin habang kumakaway. Kinwayan ko din siya pabalik.
Iba din to'ng isang toh eh.
Ang swerte siguro ng mapapangasawa niya? Nakikita ko na hindi siya titigil hangga't hindi ka niya napapangiti. Gagawa siya ng effort para magkita kayo.
Katulad na lang ng ginagawa niya saakin...
Aish! Ginagawa niya lang yon kasi... Magkaibigan kami? Oo! Kaibigan.
Ang suwerte ko naman at nakakilala ako ng isang Koreano na street dancer sa Korea at kaibigan ko na! Slash, fake boyfriend sa harap ni Jiro?
Oo nga pala. Hindi pa namin napaguusapan ni Jin yon kahapon pa. Kailangan namin mapagusapan yon.
At... Kailangan malaman ni nanay ang nangyari. Kaso tama ba na sabihin ko na ito kay nanay?
Kailangan ko muna siguro ilinaw kay Jin ang lahat... O kailangan ko muna ilinaw sa sarili ko kung ano ba talaga dapat kong gawin dito sa buhay ko?
Nabuhay ako na may kumpletong pamilya, namatay si tatay nung bata ako. Nakilala ko si Jiro bago gumaduate ng grade 6. MU kami for almost six years. At ngayon pinagseselos ko siya dahil pinagpalit niya ako?
BINABASA MO ANG
My Boyfriend
FanfictionA man from South Korea. Trying to be a true Filipino and he met me. Hello everyone, I want to introduce to you My Boyfriend.