31

3 1 0
                                    

31


Katatapos lang ng ng lunch break namin. Tatlong subjects pa ang natitira bago ang dismissal.

Kanina pa ako hindi mapakali dito sa kinauupuan ko. Dapat nga mag chill lang ako dahil hindi naman nagtuturo si ma'am. Pinalabas lang saamin yunh libro at pinagbasa. Samantalang si ma'am, ayon ay nakikipag chikahan sa labas ng room.

Syempre etong mga magagaling kong kaklase, nagkagulo na dahil wala si ma'am.

Pag naman ganito ang nangyayari sa room, lagi akong natutulog. O di kaya mag susulat ng kung ano ano sa likod ng notebook ko.

Nilabas ko ang binigay na box ni Jin na naglalaman na puro chocolates.

Walang may balak na humingi saakin nito nung nilabas ko yung chocolate galing sa labas. Alam nila kasi na hindi ako namimigay. Mga buraot ko ngang kaklase.

Kinuha kong isa para sana kainin. Kaso napansin kong may papel na nakadikit kaya tiningnan ko.

Make sure you will this not during class hours. :)

"Ha!" Mahina kong sabi sa sarili ko.

Aba at alam nito may balak akong kainin toh sa kalagitnaan ng klase? Ano ba yan, pang stress reliever sana toh dahil sa mga magugulo kong kaklase.

Tiningnan ko pa ang ibang chocolate at halos lahat may mga letter na nakalagay.

I hope these chocolate can make you smile. :)

Hope you like it. :)

Good luck to your quiz, special exams or whatever. Hahahah :D

Even if chocolate can make you smile, I'm still here for you. <3

Inipon ko ang mga letter na nakadikit sa mga chocolate. Hindi ko maiwasan matawa dahil may pagka cheesy ang nilalang na yon.

Patago kong nilabas ang cellphone ko para itext si Jin ng may nakita akong isang papel na hindi ko pa nababasa.

Kinuha ko ito at tila tumigil ang ikot ang mundo ko.

I. L. O. V. E. Y. O. U. GABRIELA <3

Namalayan ko na lang ang sarili ko na nakangit at agad tinago ang mga chocolate ng pumasok na ng room si ma'am.

Damn Jin, you never fail me to smile.

Last subject namin ay Filipino.

Hindi ko alam pero pinabasa pa saamin ang kuwento nila unggoy at pagong. Eh alam ko sa bata lang yon. But then, alam ko na hindi naman ito ipapabasa ni sir kung walang dahilan.

"Subukan niyong gumawa ng ibang bersyon tungkol sa unggoy at pagong. Ang magugustuhan kong kuwento ay may mataas na puntos na makukuha saakin." Sabi saamin ni sir.

Nag isip ako ng mabuti. Unggoy at pagong... Naging taksil sila sa sarili nilang kaibigan. Yung kaya nilang mawala ang kaibigan nila dahil sa ibang bagay.

May biglang pumasok na mga salita sa isip ko.

But what can we do? He loves you that much that he can forget us...

Naalala ko yung sinabi ni Lee. Parehong pareho sa nangyari kala unggoy at pagong.

Si Jin, kaya niyang iwan ang mga kaibigan niya para saakin.

I suddenly raise my hand.

"Ano yon, Salazar?"

"Sir may kuwento na po ako." Mahinahon kong sabi.

My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon