15
Pinikit ko ang dalawa kong mata at hinintay ang pagdampi ng kanyang labi saakin.
Tama na ba ito? Ito na ba ang tamang panahon para sa ganito bagay? Kailangan ko na na itong maranasan?
Ihahanda ko na ba ang sarili ko para sa mga responsibilidad na haharapin ko?
Almost one inches na lang ang layo ng labi namin ni Jin. At onting onti na... Maglalapat na ang aming labi.
"OMG."
Nanlaki ang aking mata dahil may narinig akong nagsalita kaya agad kong naitulak ng onti si Jin.
Tumingin ako sa nagsalita at ito ay nasa likod lamang ni Jin na kuwarto. Nandoon nakadungaw si... Choi ba ito?
"Ah... Eh... 잘가요!" Sabi nito at agad sinarado ang pintuan.
(잘가요- goodbye)
Napayuko ako dahil sa awkwardness.
Wow ha! Moment na namin yun eh!!
"Umm... Shall we?" Tanong ni Jin at nakaturo doon sa pintuan kung saan nanggaling si Choi.
Tumango na lang ako at nagtago sa likod niya.
Paniguradong nakuwento na ni Choi sa mga kaibigan nila ang nakita niya. At baka...
"Ohh... "
Unti unti akong tumingin sa mga kaibigan ni Jin at nakita ko na nakatingin silang lahat saamin pagkapasok namin sa kuwarto.
Madilim sa loob ng kuwarto at tanging TV ang nagsisilbing liwanag nila. Si Mini naman ay nahulog na ang kanyang hawak na popcorn habang nakatingin saamin.
Nahulog si Shina mula sa pagkakadapa sa sofa kaya lahat sila napatingin sakanya.
Si Choi naman na ngayon ay nakatayo sa tabi ng TV na mukhang may sinasabi kanina sakanila.
Uh oh... Patay.
"What's up guys!" Pambarag ni Jin sa katahimikan.
Napapikit ako ng mariin. Hindi dapat ako sumama dito eh! Taena kasi ni Jin kung nasa mood lang talaga ako kanina, nako!!! Baka nasa bahay na ako.
"Why you bring her here?" Medyo nagtatakang tanong ni Chohuik.
Unti unti akong napayuko dahil don. So mukhang sinira ko ang moment nila so... Alis na ako mga bes?
"Yah! Watch your words! Your words looks like you don't want her to be here. " Pagsaway ni Shina.
Guys, wag naman kayo ganyan. T.T
"It's not like that... This is the first time? Maybe second time that... Jin... Bring... A girl..." Medyo naguguluhan na sabi ni Chohuik.
Thank God dahil nag eenglish sila. Kumh hindi baka kanina ko pa naisip na nag aaway sila.
"Sorry guys for not letting you know that I bring Gabriela here." Sabi ni Jin at hinawakan ang braso ko.
What the hell are you doing?!
"I think it would be fun if we add one friend of mine in our bonding?" Pagtatanong ni Jin.
"S-Sure!" Agaran nilang lahat na sagot habang tumatango tango.
Medyo napa-atras ako sakanila.
Hindi ko maiwasan na matakot sakanila. Kahit na nakilala ko na sila parang iba pa rin yung pakiramdam na puro lalaki ang kasama ko ngayon.
Kahit nung panahon na magka-MU kami ni Jiro, never ko naranasan na nakasama ko ang mga barkada niya. Ayaw niya kasi na madaming lalaki ang kasama ko dahil daw hindi magandang tingnan.
Nagmumukha daw kasi na malandi ang babae kahit na kakilala niya ang mga kasama ng babae.
"Umm... Gabriela right?"
Napatingin ako kay Shina na ngayon ay nakaupo na sa carpet.
Dahan dahan akong tumango na parang sumasangayon na ako nga yung tinutukoy niya.
"Sit beside me. Were watching some horror movies." Sabi niya.
Medyo nagulat ako sa sinabi niya pero tinapik ako bigla ni Jin sa balikat ko na parang sinasabi na okay lang.
Dahan dahan akong tumango at lumapit kay Shina.
Omaygashhhhh pinapalibutan ako ng mga fafa <3
"Hi Gabriela! Do you still remember me?"
Napatingin ako kay Suna na nasa kabilang dulo ng sofa.
"Ahh yes..." Nahihiya kong sabi.
Gustong gusto ko ng sumigaw sa kahihiyan. Taena hindi talaga ako sanay!!!
"Don't be shy, girl. It's fine with us whatever you do."
Napatingin ako ngayon kay Heehul na nasa tapat ng TV habang may hawak na throw pillow.
Talaga? Puwede kong gawin kahit anong gusto ko?
Huminga ako ng malalim para ihanda ang sarili ko.
"AHHH!!!!!!! "
Agad silang napatakip ng tainga maging si Jin.
"AHHHHH!!!! "
"Yah, yah! What are you doing?! Why are you shouting?!" Gulat na sabi ni Shina.
"I really want to scream, you know?" Medyo mataray kong sabi.
Hindi siya nagsalita at nag iwas ng tingin.
Lahat kami napatingin sa TV ng may sumigaw doon dahil nga nakakatakot amg pinapanood nila.
Lahat sila ay sumeryoso sa panood kaya ganon na lang ang ginawa ko.
Umupo sa tabi ni Heehul si Choi samantalang naramdaman kong umupo si Jin sa tabi ko.
Napangiti ako habang nanonood.
Kahit papano, mukhang masaya silang kasama. Kahit hindi ganon katagal ang kuwentuhan kasama sila nakikita ko na masaya talaga silang kasama.
"Want some popcorns?"
Umiling ako kay Shina.
Wow, kakaiba talaga toh ngayon. Parang nung una kakakilala ko lang kay Jin. Tapos na meet ko na yung mga kaibigan niya. Tapos ngayon nanonood ako ng horror kasama sila!
Parang akong nananaginip. Yung pangarap ko na makasama ng isang idol (mukha silang idol kahit hindi) shems, sarap sa feeling at the same time nakakakilig. Hihihi
Habang nanonood, unting unti bumagsak ang ulo ko sa balikat ni Jin.
Ang komportable naman dito. Sa sobrang komportable ay naipikit ko ang aking mata at naramdaman na nakatulog ako.
Naramdaman kong inakbayan niya ako bago makatulog.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend
FanfictionA man from South Korea. Trying to be a true Filipino and he met me. Hello everyone, I want to introduce to you My Boyfriend.