26

0 1 0
                                    

26

Yung pakiramdam na dati ko ng naramdaman kay Jiro, nararamdaman ko ulit kay Jin ngayon.

Nakakaramdam ako ng special treatment galing kay Jin. Yung para bang bawat salita niya binibigyan ko ng kahuluguhan? O kaya minsan nabibigyan ko ng malisya?

May epekto na siya saakin. For the first time yung unang beses ako nahiya kay Jin ay nung red days. Hindi naman sa dugyutin ako pero pag sa mga nakakadiring bagay like ang dungis ko wala akong pake dati kahit nakikita niya akong ganon. Siguro lang mas nakakahiya talaga na yung 'pula' pa talaga ang nakita niya.

May gusto ba ako kay Jin?

Imposible! Jusko.

May gusto rin ba saakin si Jin?

MAS LALONG IMPOSIBLE.

Pano magkakagusto yung nilalang na yon saakin? Eh ang tingin namin sa isa't isa ay bestfriend daw.

Naiinis na ba ako kasi hanggang friends lang kami ni Jin?

HAY PUTA BAT PURO JIN JIN JIN JIN JIN NASA ISIP KO.

May gusto ako kay Jin~ May gusto ako kay Jin~

TAENAAAAAA

"Hoy kain na Gabriela!"

Napatingin ako kay Chohuik na may hawak na plato. Punong puno ito ng iba't ibang putaheng handa namin.

Nag sara na kami ni Jin ng tindahan nung 3 na ng hapon. Para umuwi ng bahay at icelebrate ang fiesta dito.

May nagluto ng palabok, pansit, pininyahan na manok, pusit, at may dessert pang leche ka este leche flan.

At sino nagluto? Si Suna daw at si nanay. Tinulungan mag hiwa ng mga ingredients nila Heehul at Choi sila nanay. At wow lang dahil mukhang masasarap ang pagkain.

"Hoy Gabriela, wag mo tungangaan ang pagkain. Kainin mo!" Mapang asar na sabi ni Chohuik kaya kumuha ako ng plato at inambahan na ihahampas sakanya toh. Tumawa na lang siya kasabay ng pag alis niya.

"Woah, didn't know that Filipino food is really delicious." Pag komento ni Jin sa kalagitnaan ng kainan.

"Masasarap talaga ang lutong pinoy kaya wag kayong magsasawang kainin yan." Sabi ni nanay at naglagay pa ng pagkain sa plato ni Jin.

"Aba tita! Dito na lang ata ako titira sa Pilipinas!" Sabi ni Heehul na punong puno ang bibig nito. Tinapik ko ito sa kamay.

"Heehul, uso dito yung manners. Don't talk when your mouth is full." Pangaral ko dito na ikinatigil niya.

"Yan kase, lamon ng lamon." Pang-aasar nila Lee kay Heehul na ikinatawa ni nanay.

"O siya! Kain ng kain para mabusog." Sabi ni nanay.

My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon