8

0 1 0
                                    

8

"Nak, gising na."

Unti unti kong minulat ang mata ko at bumungad sakin si mama.

"Kanina ka pa tulog. Tanghaling tapat na."

Napatingin ako sa relo at nakita ko na mag aalas otso na.

"Sorry ma," sabi ko at umupo. Kinusot kusot ko muna ang mata ko at inalala ang nangyari kagabi kung bakit ako late natulog.

Pinuntahan ko si Jiro sa school. Nawala na yung namamagitan saming dalawa. Habang lumalayo sakanya, natagpuan ko si Park Shine'. Kinausap ako at humingi ng tulong. Hindi namin mahanap ang mga kasama niya at nagdidilim na. Inuwi ko siya sa bahay at pinatulog siya ni mama sa kuwarto nila papa. Tapos nag chat kami buong gabi sa Instagram.

Nanlaki ang mata ko dahil sa naalala ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tiningnan ang messages ko kay Park Shine' kung totoo nga.

Hahahaha your so jolly.

Yan ang huling message niya. Saakin dahil siguro nakatulog na ako kagabi.

Para makasiguro ay agad akong tumakbo papuntang kuwarto nila papa. Dahan dahan kong binuksan ang pinto pero wala ng ibang gamit don na kakaiba at puro kala papa iyon.

Hindi totoo? Imposible! May chat kaming dalawa kaya nandito siya! Pero baka umalis na.

Naglakad ako patungong sala.

Nakakapagtampo naman si Jin. Umaalis ng walang paalam.

"Nak, bat ka biglang tumakbo?" Pagtatanong ni mama habang bumaba ng hagdanan.

Ma naman. Di ba obvious? Haysss.

"Ma umalis si Jin na walang paalam... " malungkot kong sabi.

Nakakapagtampo talaga si Jin! Pag yon nakita ko kung saan saan, ililigaw ko yun! Ang bad niya. T_T

"Breakfast is ready!"

Nagulat naman ako ng biglang may sumigaw sa kusina.

Mula sa sala ay amoy na amoy ko ang lutong bacon at hotdog.

Agad akong pumunta sa kusina upang tingnan kung sino yon.

Nang makita ko ang lalaking nakatalikod ngayon sa harap ko na naka apron pa ng floral ay halos lumubog ako sa kinatatayuan ko.

Hindi siya umalis...

"Auntie! Is Gabriela already awake--"

Napatigil siya sa pagsasalita ng humarap sakin na may hawak na sandok.

Bigla naman siya ngumiti at winagayway ang sandok.

My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon