32
Bakit ba ganon ang mga lalaki? Pagkatapos nila iwan ang isang tao, akala nila puwede pa nila ito balikan kahit ano oras na gusto nila.
Akala ba nila ganon kadali mag move on? Akala ba nila kaming mga babae hindi nahihirapan? Mga puta pala kayong mangiiwan eh. Hindi niyo iniisip ang puwedeng maramdaman ng iiwan niyo.
Pero ayos na rin dahil wala nang puta sa buhay namin na katulad niyo.
"Are you alright?"
Tumigil na pag tulo ang mga luha ko. Hinila ako ni Jin sa medyo hindi matao pero dito sa may puno.
"O-Oo..." Sagot ko saka huminga ng malalim para mahimasmasan.
Bigla niya ako niyakap na ikinagulat ko. Hindi naman kasi siya malambing at...
Gusto ko rin yung ganitong feeling
"I'm here don't worry..."
Hindi ako makahinga hindi dahil nasasakal ako kundi dahil sa sarap ng pakiramdam na nasa bisig ako ni Jin. Hindi rin ako makagalaw dahil... Na shock ako. Oh diba, na shock pa ako sa lagay na toh. HAHAHA
"A-Ang drama mo!" Natatawa kong sabi at medyo tinulak si Jin para mapalayo saakin. Mukhang nalaman ni Jin ang ginawa niya kaya biglang tumikom ang bibig niya.
"Sorry sa pagtulak." Sabi ko at napakamot sa batok ko. Bigla naman nag bago ang expression ng mukha niya at dinuro pa ako.
"Ha! I got ya!"
Na-gets ko naman ang sinabi niya binatukan ko siya.
"Ikaw ang dami mong trip sa buhay!" Natatawa kong sabi.
Hay, pinagtritripan niya ako. Alam niya kasi na madadala ako sa arte arte niya. Tsk tsk. HAHAHA
"Gabriela!!!"
Napatingin naman ako sa WTF na papalapit saamin. Masaya ko silang sinalubong ng isang masayang ngiti.
"Hiii!" Tuwang tuwa kong sabi.
Sabi ni nanay ang kasiyahan ay may kapalit na kalungkutan. Siguro ang kalungkutan ay may kapalit rin na kasiyahan.
"Kamusta buhay estudyante? Masaya ba?" Mapang asar na sabi ni Lee.
"Akala mo masaya ako na lagi akong pumapasok? Nako, gusto ko ng matapos mag-aral. Mahaba-haba pa ang lalakbayin ko." Naiinis kong sabi.
"Ganon talaga! Malalagpasan mo din yan." Ngiti ngiting sabi naman ni Choi.
"Palibhasa kasi tapos na kayo mag-aral kaya ganyan kayo." Sabi ko na ikinatahimik nila.
Nagtaka ako ng pareparehas sila napalinga sa iba na halatang iniiwasan ako. Tumingin ako kay Jin na nakayuko habanh nakapamulsa.
"May... Sinabi ba akong mali?" Pagtatanong ko. Agad naman ako nilingon ni Heehul pero walang expression ang mukha niya. Blanko ba kumbaga.
"To tell you honestly... Hanggang high school lang kami. Hindi na kami tumungtong pa ng college." Paliwanag niya.
"Matalino kami Gabriela, pero ayaw na namin mag-aral coz we want to focus sa pagsasayaw." Dagdag ni Choi.
Napatango tango ako at naintindihan. Ayos lang naman ang ginawa nila na hindi na sila nag-aral ng college kasi imbis na magwalgas ng pera sa pang tuition tapos yung estudyante hindi naman pumapasok. Kaso ang sayang, chance na nila yon. Bilang na lang ang mga bata na nag-aaral ng college dahil sa hirap ng buhay.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend
FanfictionA man from South Korea. Trying to be a true Filipino and he met me. Hello everyone, I want to introduce to you My Boyfriend.