35

1 0 0
                                    

35


"Insan! Kilala mo siya?" Kinikilig na bulong saakin ni Yassy. "Siya yung lalaking Koreano na dumating saakin."

It's obviously na may crush si Yassy kay Jin. At hindi lang kay Jin kundi sa buong WTF. Basta makakita lang ng gwapong KPOP si Yassy crush na niya.

"Then it's you?" Pagtatanong ni Jin. "The one I met near at the resto?"

"Omaygash do you still remember me?" Pa-beautiful eyes pa na tanong ni Yassy. Bigla naman natawa si Jin na ikinataka ko.

"Yeah, I still remember you. Looks like you didn't suffer from break up, huh?" Natatawang sabi ni Jin.

"Ahihihi."

Siniko ko naman si Yassy dahil sa pinaggagawa niya.

"Ano ba insan? Chance ko na toh!" Sabi pa niya.

"Anong chance chance nalalaman mo diyan? Manahimik ka nga!"

"Si insan naman KJ! Pero, magkakilala pala kayo? Paano at saan?" Paguusisa niya pa.

"Basta! Saka ko na lang ikukuwento--"

"What relation do you have anyway?" Pagtatanong ni Jin.

"Okay..." Paghihinahon ko dahil sabay sabay sila nagsasalita.

"Guys, si Yassy pinsan ko." Pagpapakilala ko sa WTF na agad ako binara ng tanong ni Yassy.

"Insan, marunong ba makaintindi ng tagalog yang mga yan? Mamaya---"

"Oo nakakaintindi kami ng tagalog." Pagsingit ni Suna sa nagsasalita na si Yassy.

"Ganun ba? Sige shut up na lang ako." Nahihiyang sabi ni Yassy.

Isa isa kong pinakilala kay Yassy ang WTF. At wala siyang ibang ginawa kundi ang tumango.

"Insan... Pakilala mo naman ako diyan sa katabi mo..." Pasimpleng sabi ni Yassy saakin ni Yassy ng nagkanya kanya na ang WTF.

Kinuwento ko na close ko na talaga sila kung paano kami nagkakilala etc etc. Except nga lang na nililigawan ako ni Jin.

Hindi ko binanggit kay Yassy ang pangalan ni Jin dahil alam ko naman na magkakilala sila.

"Hindi ba't magkakilala na kayo? Bakit pa kita ipapakilala?" Bulong ko sakanya.

"Di na kami nagka chance na mag introduce nun eh. Umalis na kasi siya agad." Naka pout niya pang sabi.

Bumuntong hininga ako. Bakit ba ako nag aalanganin na ipakilala si Yassy kay Jin?

"Pero insan, kaloka ka ah! Hindi lang isa nasungkit mo, kundi walo!" Kinikilig na sabi ni Yassy. "May bonus ka pang gwapong Koreano sila." Dagdag niya at kinindatan ako.

"H-Hoy Yassy umayos ka nga! Mga kaibigan ko yan." Saway ko kay Yassy.

Etong si Yassy, makakita lang ng gwapo halos ilantad na ang katawan. Landi niya kasi.

"Wushuuu! Pero sino type mo diyan?"

Dahan dahan akong napatingin sa WTF na ngayon ay nasa kusina dahil alam nilang marami kaming dapat pagusapan ni Yassy since sinabi ko sakanila na 10 years kaming hindi nagkita.

Agad na dumako ang mata ko kay Jin.

Nabihag na ata ako ni Jin. Sa tingin ko, siya ang nagbubura ng pangalan ni Jiro sa puso ko.

Buset, ano ba to'ng pinagsasabi ko?

"Oy insan... Type ko talaga yung lalaking si Jin."

Agad ako napatingin kay Yassy na ngayon ay pasimpleng tumitingin kay Jin.

"Pinagtanggol niya kasi ako sa ex ko nung nasaktan niya ako ng pisikal. Kahit hindi niya ako kilala may pake siya saakin." Pagkukuwento niya.

Nagtaka naman ako dahil sa unang pagkikita nilang dalawa.

Nang dahil lang inaway siya ng ex niya dumating si Jin?

"Sa tingin ko destiny kaming dalawa... " Dagdag niya pa at umacting na nagdadrama.

Binatukan ko naman siya. "Ikaw kaka-break niyo lang ng ex mo may ganyan ganyan ka na." Sabi ko.

"Ang KJ mo nanaman insan! Palibhasa no boyfriend since birth ka ata eh--- speaking of boyfriend. Nagka boyfriend ka na insan?"

Tumingin ako ng diretso kay Yassy. Ako? Nagka boyfriend? Oo, no boyfriend since birth ako. Pero hindi doon pinagbabasihan kung walang nakakakuha ng puso ko. (Oh diba andami ko pang sinasabi.)

Si Jiro... Ang inakala kong magiging akin pag naging handa na ako. Kaso hindi.

"Uyy! Si insan! May boyfriend!" Asar saakin ni Yassy pero wala akong panahon para sawayin siya.

Tama ba na ungkatin ko yung tungkol kay Jiro?

Bakit ba Jiro na lang ang bukang bibig mo, Gabriela?!!!

"Yes, she have."

Napatingin ako kay Jin na ngayon ay bumalik ulit sa tabi ko. Inakbayan niya agad ako na ikinawala ng ngiti ni Yassy.

"I'm her boyfriend by the way." Nakangiting sabi ni Jin sakanya.

"A-Ahaha!" Medyo nauutal na tawa ni Yassy. "I-Ikaw insan... Hindi m-mo sinabi n-na..."

Gosh, I can't believe sa nakikita ko. It's obvious na nasasaktan si Yassy!

"Yassy..."

"Akala ko n-na NBSB ka na eh!" Sabi pa niya. "Ayos ka talaga insan. Idol na kita." Dagdag niya at tumayo. "Banyo lang ako." Paalam niya saka dali daling umalis.

Hindi ko na siya pinigilan pa.

Gosh hindi ko na alam ang iisipin ko. Lumilitaw lagi sa isip ko si Jiro sa mga bagay na puwedeng magpaalala sakanya. Lagi namang nasa isip ko si Jin dahil nga duh, best friend kami. At hindi ko maiwasan na maalala siya lalo na't siya ang lagi kong nakakasama na pati na ang WTF.

Ang dami nilang lumilitaw sa isip ko at para na akong sasabog! Plus na lang yung mga school works etc etc etc!!

"Hey! Are you with me?"

Napatingin ako kay Jin na ngayon ay mukhang nag-aalala saakin.

"Ano ba yon?" Pagpapatay malisya ko na parang wala akong iniisip.

"I'm sorry if I introduced myself as your boyfriend again even if it's not."

"Okay lang yon... " Tangi kong nasabi. Medyo nakasanayan ko na rin na ipakilala siya as my boyfriend. Kasi halos lahat ng tao sa school alam nilang boyfriend ko si Jin so hinahayaan ko na lang na ganon ang pananaw nila.

"I wish I'm really your boyfriend..."





Napatingin ako kay Jin. Kahit bulong lang yung sinabi niya, rinig na rinig ko pa rin at malinaw pa.

Umalis siya sa tabi ko at binalikan ang WTF.

Jin... please make me fall harder to you... Gusto ko na tuluyan umalis sa kulungan ni Jiro.

It's obviously na may gusto pa ako kay Jiro. Hindi na ako mag aaksaya ng panahon para alamin kung bakit si Jiro ng bukang bibig ko. Hindi ako tanga para hindi mapansin yon.

Simula nung naging magkaibigan kami ni Jin, iba na talaga ang nararamdaman ko sakanya kaya naguguluhan ako bakit ganito.

Kung papipiliin ako sakanilang dalawa... I would rather choose Jin than Jiro.

My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon