41

1 0 0
                                    

41


Saturday morning.

Ano gagawin ko ngayong araw?

Tiningnan ko yung phone ko, buong akala ko ay may reply si Jin kaso wala.

What the hell?

Nag eexpect ba ako ng text niya? Or what? Bakit naman?

Dahil alam mo na may feelings siya sayo at importante ka sakana.

What the hellllllll.

So what kung ganon nga? So what?!!!

So what-in mo mukha mo Gabriela. May gusto ka na rin sakanya.

Okay fine! Fine fine fineeeee!

Sa lahat ng mga nakakabasa ng isip ko, gusto kong malaman niyo na sumusuko na ako makipagtalo sa isip at puso ko. In short, umaamin ako na I'm completely in love with Jin...

Alam kong nakakagago lang lahat ng sinasabi ko. Kasi si author ang gulo eh, hindi alam kung tama ba na magustuhan ko si Jin o balik daw kay Jiro haha!

So yun nga, nakapag decide si miss author na tama na magustuhan ko si Jin.

Sino ang hindi mahuhulog kay Jin? Ang friendly niya, palangiti siya, may mga mababait siyang kaibigan kahit makulit, halatang may mabuting puso o intensyon sa isang tao, ayaw na may umaabuso sa babae at marami pang iba.

Atsaka lagi niya ako pinapasaya simula nung una palang kami magkita. Kahit nung first meeting namin ay strangers ako para sakanya, grabe na siya magkuwento. Haha.

Saka ramdam ko, na handa niya akong saluhin. Actually sa pagkakaalala ko, dalawang beses na niya ako sinalo. Remember nung hinatid ko siya sa hotel? Nagkataon na may ipis kaya napatalon ako sakanya. Saktong nasalo niya ako non. Tapos nung nahimatay ako, siya din ang sumalo saakin. Diba, echusera talaga ako? Feel na feel na sinalo ako eh HAHAHA.

So ayon. Pangit man tingnan dahil kakagaling lang sa so called na 'break up' ng pagiging MU (hahaha echos talaga) wala akong magagawa. Alam kong maraming naghuhusga saakin lalo na yung ibang teammates ni Jiro.

Wala akong pake sakanila. Kasi ang mahalaga saakin ay ang nanay ko, pangalawa ang sarili ko. Kaya uunahin ko muna ang mga binibigyan ko ng pake kesa yung mga pukingina na yan. HAHAHA sorry sa word.

Inaamin ko rin na nakakaramdam ako ng selos sa mga babae na kasama nila. Wala akong natandaan na nagkuwento amg WTF na mahilig sila sa clubs or girls. Sa lahat ng pictures na pinost ni Jin sa IG, eto ang kauna-unahang nakita ko na nasa club sila. So nakakapanibago. As far as I know, uso ang mga clubs sa Korea.

Sinasabi ko na lang sa sarili ko na trabaho ang pinunta nila sa Laguna at hindi yon. Duh, meron mga club dito sa Manila tapos dadayo pa sila sa Laguna? Haha.

Tinuon ko na lang ang sarili ko sa tindahan simula umaga hanggang magsara. Pero syempre pumapasok ako ng bahay pagtuwing walang bumibili masyado lalo na tuwing tanghali dahil mainit.

"Nakakalungkot naman na malaman sa Lunes pa ang balik ng mga anak ko." Medyo malungkot na sabi ni nanay habang kumakain kami ng hapunan.

"Oo nga po nay, wala sila bukas sa handaan." Medyo disappointed kong sabi.

"Ano ba gusto mong i-handa bukas anak?"

"Kahit ano na lang nay. Basta luto niyo okay na saakin." Nakangiti kong sabi kay nanay at hinawakan ang kamay niya.

Masaya ako na nagkaroon ako ng matibay na nanay. Yung kahit wala na yung asawa niya, nandiyan pa rin siya at finu-fulfill ang pagiging nanay saakin. Yung iba kasi pag nawalan ng asawa nakakalimot na may anak pa sila.

My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon