29
"Nako tita! Bat niyo nilaban yung mga damit namin?" Gulat na sabi nila Heehul at Choi ng makabalik kami sa bahay.
Hindi pa rin inaalis ni Jin ang pagkakaakbay niya saakin simula kanina. Hindi na rin ako nagreklamo dahil gusto ko rin naman.
Sa tingin ko mukhang alam ko na yung mga nararamdaman ko sa mga nakalipas na araw. At dumating na yung sagot ngayong araw.
"Hayaan niyo na at nagawa ko na!" Tanging nasagot ni nanay.
"Nakakahiya..." Mahinang sabi ni Lee.
"Ngayon pa ba kayo mahihiya? Pagkatapos lahat ng pagtulong niyo saamin?" Sabi naman ni nanay. "Wala lang lahat ng iyon basta para sainyong mga anak ko."
Napangiti ako sa sinabi ni nanay. Hindi naman sa inaampon na namin sila, anak lang ang turing ni nanay sakanila at ako naman ay kapatid.
"Salamat talaga tita---"
"Nanay," pagputol ni nanay sa sasabihin ni Chohuik. "Nanay na itawag niyo saakin."
"Opo!" Sabay sabay na sabi nila.
Tay! Nakikita niyo po ba ito? May mga kapatid na akong lalaki. At bagong anak ni nanay. Tanggap niyo naman po sila diba? Diba diba? Hahaha
"Mukhang natuloy ang pinlano niyo ah." Biglang sabi ni nanay na nakatingin saamin ni Jin.
Bigla ko naman naalala na hindi pa alam ni nanay na nililigawan na ako ni Jin. Akmang aalisin ko ang braso ni Jin ng pigilan niya ako.
"What are you trying to do, miss Gabriela?" Taas kilay niyang tanong kaya natawa ako.
"Excuse me? Naandiyan si nanay kaya." Sagot ko dito.
"So what?"
"Anong so what? Magagalit si nanay!" Natatawa kong sabi.
"And what made you think that she will get mad?"
"Coz she didn't know what happened a while ago?" Pabalang kong sagot.
"For your information, she knows." Maarteng sabi ni Jin na ikinataas ng kilay ko sabay lingon kay nanay na nakangiti saakin.
"Oo anak, alam ko na liligawan ka niyang si Jin. At pumapayag ako."
Halos malaglag ang panga ko sa sinabi ni nanay. For real? Si nanay pumayag agad agad? Walang pag dadalawang isip?
Samantalang kay Jiro halos abutin ng ilang taon bago niya matanggap si Jiro!
Aish, bat ko ba pinagkukumpara yung kay Jin at Jiro?!
"Told ya." Sabi ni Jin at kinindatan ako. Binatukan ko siya ng mahina.
"Edi wow." Natatawa kong sabi.
Nagkatuwaan pa kami pagkatapos non. Nagkainan ulit dahil sila Mini ay may tinatago na pagkatakaw. Hahaha
May mga times na inaasar ako nila Choi at Heehul dahil nga sa inamin ni Jin. Pero si Jin ay tahimik na namumula ang mukha. Ako naman ay sinaway ko sila dahil hindi ako sanay.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend
FanfictionA man from South Korea. Trying to be a true Filipino and he met me. Hello everyone, I want to introduce to you My Boyfriend.