37
Hindi nila ako dinala sa bahay. Pumunta muna kami sa Starbucks para mag-usap sandali dahil sa inakto ni Jin.
"May problema ba yon? Parang sa pagkakatanda ko wala naman siyang problema bago tayo umalis ng studio eh." -Heehul
"Yeah... As far as I remember excited pa siya nung pumunta tayo kala Gabriela." -Chohuik
"Nagiba na lang yung mood niya nung dumating yung lalaki kanina." -Shina
Bigla ako napatingin sakanila dahil sa binanggit ni Shina.
"Paano ba sila nagtagpo na dalawa? Ano nangyari at nagbubugbugan sila?" Agad kong tanong sakanila.
Oo nga, bat ba hindi ko tinanong yon? Paano sila nagkita?
"Katulad namin may hinihintay din sila ng mga kasama niya. Kaso yung mga kasama niya mukhang hindi kilala kung sino ang hinihintay kaya sinabi nung lalaking yon na si Gabriela Salazar ang hinihintay nila. Saktong nasa harap lang namin sila kaya rinig na rinig namin. Nakita pa namin na nagpakita siya ng picture mo sa mga kasama niya. Dun na nangielam si Jin at nakipag usap nang maayos sakanila. Hanggang sa nangyari na ang dapat mangyari." Pagkukuwento ni Heehul at halos gusto kong sapakin si Jin ngayon.
Kilala ko si Ken, mahilig humanap ng gulo yon. At hinding hindi siya magpapatalo kahit kanino.
"Who is that guy anyway?" Pagtatanong ni Suna at ang mata nila ay tutok na tutok saakin.
"Si Ken... Elementary crush ko." Medyo nahihiya kong sabi. Buset ka talaga kahit kailan Ken.
"It means matagal na kayong magkakilala?" Tanong pa ni Shina.
"Ah yeah... Hindi ko kasi alam nung panahon na crush ko siya at crush din niya din pala ako. Kailan ko lang nalaman na crush niya ako. Hindi ko alam na hanggang ngayon umaasa pa rin siya saakin."
"Iba ka pala, Gabriela. Habulin ka talaga ng mga lalaki!" Natatawang sabi ni Heehul na ikinatawa naman nila.
Nakisabay na lang ako sa tawanan nila para hindi ako ma-op.
Napatingin ako kay Suna na nakatingin ng seryoso sa labas. Magkatapat kaming dalawa. Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa lamesa.
"Ayos... Ka lang?" Pagtatanong ko dito.
Napatitig pa siya ng ilang sandali sa kamay ko at agad rin ngumiti.
"Yeah... I'm fine." Pagsagot niya. Nginitian ko rin siya pabalik at binalik ang kamay ko kung saan ito dapat nang marinig kong nag ring ang telepono ni Shina.
"Si Lee tumatawag." Sabi niya saamin at nilapag ang cellphone niya sa lamesa. Sinagot niya ang tawag saka pinindot ang loudspeaker.
"Ano dude? Bakit daw nagkakaganyan si Jin?" Tanong agad ni Shina. Lahat kami ay nakatingin sa cellphone, inaabangan ang sasabihin ni Lee.
"Ayaw niya kami kausapin. Sobra nang naiirita dito si Jimin kasi ayaw kami pansinin ni Jin."
"Ano kaya ang problema niyan..." Pagsasalita ni Heehul.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend
FanfictionA man from South Korea. Trying to be a true Filipino and he met me. Hello everyone, I want to introduce to you My Boyfriend.