11

1 1 0
                                    

11

Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang ang huling pagkikita namin ni Jin.

Nagtataka ako kung bakit biglang nanlamig saakin si Jin. After ng conversation namin sa IG nung isang araw lang, wala nang sumunod. Hindi ko na rin siya nakikita sa Gizzilo Hotel tuwing napapadaan ako doon.

It's either na wala na siyang pake saakin, or dahil may ginagawa siya. O di kaya hindi niya alam paano pumunta saamin.

Pero alam niyo yun, hanggang chat hindi na siya nagparamdam.

Hays, last week lang si Jiro ang laman ng isip ko. Ngayon si Jin naman? Jusme.

Umiling na lang ako para mawala sila sa isipan ko.

Nandito ako ngayon sa tindahan, nakatulala dahil walang magawa. Halos napanood ko na lahat ng MR Remove ng mga idols, mga funny moments, fanmade at iba pa! Halos lahat ng KDrama naponood ko na rin. Kaya ang boring.

Kung mag-aaral ako, hindi ko alam kung ano pag-aaralan ko. Tapos na lesson namin ng 3rd quarter bago mag sembreak kaya bakasyon talaga dahil wala nang gagawin.

Wala din masyadong labada si mama. At ako, nakatunganga dito sa tindahan. Hindi naman kami nalulugi, marami ding bumibili kasi dyosa yung makikita nila dito.

Hay ok na yang nakakapagpahinga ako. Kesa bukas na pasukan na ulit namin, tatadtarin na naman kami ng homeworks. Yung iba naman namong teacher, ang lakas pag research ni-hindi nga nagtuturo. Yung isa naman ang kapal ng mukha na sabihan kami "kung bakit wala kayo maintindihan" kung anlayo naman ng ineexplain niya sa topic or lesson namin.

Diba? Nasa private school ka, pero daig mo pa ang nasa public school dahil sa mga teacher.

May teacher na nagsabi na hindi raw sila mayaman. Meron nga siyang dalawang sasakyan, malaking bahay, laptop, mamahaling cellphone. Siya pa lagi nanlilibre sa mga teacher pag tuwing may handaan. Pag tuwing Christmas Party, nagpapamigay ng regalo sa advisory class niya.

Hindi mo alam kung nagyayabang ba sila o ano eh.

Pero kahit may ganyang teachers, kahit hindi ka tinuturuan, hindi nag eexplain ng ayos, hindi umaamin na mayaman sila mababait sila. Minsan ang pinupunto nila kahit na nandiyan sila, hindi sa lahat ng oras ay kailangan may magtuturo saamin kung ano dapat gawin. Minsan naman ang sinasabi nila, dapat marunong ka umintindi. At ang isa, WAG KA MAYABANG.

Pero nakakaloka sila, nagbabayad kami ng ayos pero hindi nagtuturo. Hustiya mga bes, andami naming natutunan grabe T.T

Kahit isang linggo lang ang bakasyon, hindi mo maiiwasan mamiss yung classroom. Yung room niyong napaka-kalat, napaka-ingay. Tas yung mga kaklase mong tsismosa, maingay, mayabang, matatalino, tahimik, nerd, feeling maganda at gwapo. Yung mga ganon ba? Tas bigla mo na lang sila maalala. Tapos masasabi mo na lang "ay si ganito yung ano... "

Excited na ako pumasok bukas. Panigurado, maraming kuwento ang bawat isa saamin dahil sa isang linggong bakasyon.

-----

"Nak, umuwi ka agad ha. Wag nang gala ng gala."

Isusukbit ko pa lang ang bag ko parang sinesermonan na ako.

Jusme inay, kelan ba ako gumala? Si Jiro lang lagi kong kasama eh. T_T

"Opo ma," sagot ko habang nakangiti.

"Siya sige traffic sa karsada. Baka malate ka pa." Sabi ni mama.

Humalik na muna ako sa pisngi niya bilang pagpapaalam at saka lumabas ng bahay.

Eto ang hindi ko na -miss sa pagpasok.

Yung traffic sa umaga. Pahurapan sumakay ng jeep. Ang gentleman nga ng iba eh, hinahayaan ang babae ang nangangalay pag sardinas na sa jeep. Tapos bubukaka ang lalaki. Grabe

May ibang pasahero naman na halatang narinig na may magbabayad pero hindi pinapansin. Ganon ba nakakapagod ang magpasa ng bayad?

Tapos pag magtatrycycle ka minsan , ang laki laki ng sinisingil sayo. Palibhasa alam na estudyante kaya nauuto agad. Mga driver nga naman.

Tas pag tatawid ka minsan malapit sa terminal ng UV Express, makikipagpatintero ka pa sakanila. Yung handa ka nila sagasaan kahit nasa pedestrian lane ka. Kaloka, mahihimatay ako.

Tapos pagpunta mo ng school, SABOG KA NA.


Pag malawak ang daan sa karsada, akala mo nag shoshooting ka fahil feel na feel mo ang pagwagayway ng buhok mo. With matching nakapikit pa. HAHAHAHA

Pagkababa ko ng jeep, sinalubong ako ng simoy ng hangin. Hangin na magpapahiwatig, "may pasok na kaya wag kang tumunganga diyan".

May nagbago kaya sa school? Syempre wala, isang linggo lang naman kami nawala eh.

Nasa labas ka pa lang ng gate, tanaw na tanaw mo dito yung mga couples na grade 10 at 11. Yung iba sabay pa pumasok ng school. Yung iba same bag pa. Ay jusko

Hindi ba nila alam na pera ng magulang nila ang pinangpapagawa nila sa mga yan magkaroon lang ng couple bag, shirt and such! Akala nila ganon ganon lang kadali kumita ng pera para lang makapagpagawa ng couple things! Nagwawalgas ng pera.

Sa halagang isang daan ay puwede na akong kumain at bumili ng gamit sa school. Pamasahe ko na rin yun sa isang linggo. Eh sila? Para lang sa syota nila yun. Kulang pa.

Mukha talaga akong ewan. Mag-isang nakatayo sa tapat ng gate at kung ano ano iniisip. Nagpapakabitter sa mga nakikita.

Minsan na ako nag wish na sana, dumating yung araw na bisitahin niya ako at makipagusap ng ayos. Para maganda ang katapusan ng love story namin.

Siya lang ang iniintay ko. Pag nag bell papasok na ako. May 1hr pa ako para magintay sakanya.

Alam ko kung gaamo kasakit ang umasa pero hindi niyo ako masisisi. Baliw na baliw ako sakanya eh. Kaso hindi talaga ako...

Jiro, what I have done? Why you do this to me?

"Hey,"

I'm expecting someone, but not him.

Lumingon ako sa humawak ng balikat ko at nanlaki ang mata.

O. MAY. GAS.

My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon