20

2 1 0
                                    

20

Jusme Jin!!! Lumayo ka na!!!

Huhuhu kinikilig ata ako eh HAHAHAHA.

Mas lalo niyang nilapit ang mukha niya saakin. Mga 1-2 inches siguro ang lapit.

Maygashhhhhh ano gagawin ko sa lalaking ito?!!!!!!

"Can I?" Mahina niya pa ring sabi saakin.

Natauhan na ako nung nagsalita ulit siya kaya nakakuha ako ng lakas ng loob para makapagsalita.

"S-Sige na!" Sabi ko dito at napaatras na ako. Tumayo siya ng tuwid at tumawa.

"You will never win to me." Natatawa niya pa ring sabi at umalis na para madala ang pagkain kay nanay.

Nasa likod lang ng bahay ang tindahan namin. Alam na ni Jin yon kasi nakapunta na siya don.

Harujuskoooo! Park Shine' aka Jin!!!

The next day destroy my life.

Hindi ako makapaniwala na nangyari ang bagay na ito saakin. Hindi ko alam na nangyayari pala ito sa reality.

Mula sa labas ng campus ay marami ng tsismosa. Hanggang hallway meron din.


Pagkapasok ko rin ng room, ay halos lahat ng tao doon ay napatingin saakin.

Lumingon ako sa upuan ko at nakita ko punong puno iyon ng basura at ang daming nakasulat sa upuan.

Sobrang bilis ng hininga ko.

Hindi ko alam kung bakit kumalat yon... Hindi ko alam kung bakit nakarating ang lahat ng iyon dito... Ngayon...

"S-Sino... May gawa niyan?" Nanginginig kong tanong sa. Mga kaklase ko habang nakaturo sa upuan ko.

Hindi ko na napigilan at tumulo na ang luha ko. Wala ni-isa sumagot sakanila.

"Walang sasagot sainyo, ha?!" Malakas kong sigaw at sinugod ang aking upuan.

Punong puno ito ng litrato ng aking ama nung namatay siya. Ito yung eksaktong litrato nung na-aksidente siya.

Meron din na mga papel na may pula. Simbolo na parang dugo ng aking ama noong namatay siya.

Sinong gago ang gumawa nito? Nananahimik ang tatay ko sa labgit tapos ginaganito nila siya?! Inaano ba sila ng tatay ko?! Kung may problem sila saakin, ako ang banggain nila wag ang tatay ko!

Mula sa labas ng campus, rinig na rinig ko ang usapan na may gustong manira saakin. Na ang yabang ko na raw porke sunod sunod na perfect ang exam ko. Kesyo dinadaya ko raw. Pwe!

Kung nandadaya ako, edi bigyan niyo ako ng special exam!

"Ma'am si Hanz po ang unang dumating ng room. Nagulat din po siya nung nakita niya iyan." Sabi ni Peter sa adviser namin.

Nananahimik ako dito sa tabi ng teacher namin habang nakaharap sa board.

Hanggang ngayon ganon pa rin ang ayos ng upuan ko. At sino naman ang kakayanin tumingin don? Ang bugbog na katawan ni tatay nung nabagsakan siya ng poste.

Ilang taon na rin ang nakalipas simula namatay si tatay dahil lang sa poste.

May nagpuputol ng poste noon malapit sa simbahan ng bayan saamin. Hindi nila alam kung bakit pinuputol yon. Dahil dirediretso ang lakad ni tatay, may pagka bingi siya kaya hindi niya naririnig ang tumatawag sakanya sa paligid.

My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon