36

0 0 0
                                    

36


Umuwi na silang lahat at payapa na akong namamahinga sa bahay, sa kuwarto to be exact.

Maayos si Yassy nung umalis siya. Halatang di masama ang loob. Nauna siyang umalis kala Jin.

Hindi na nila inopen pa ang tungkol sa pagkikita nila Yassy at Jin. Nanatili silang normal, kung ano talaga sila pag magkakasama kami.

Mahimbing na natutulog si nanay sa tabi ko. Ako naman gusto ko nang matulog pero ayaw pumikit ng mata ko.

Naramdaman ko na lang na nag vibrate ang hawak kong cellphone kaya tiningnan ko ito.

Park_Shine0428 message you on Instagram

Nang nabasa ko ang katagang iyon ay mas lalong nabuhay ang inaantok kong mata. Mabilis pa kay flash sa pagpindot ko sa notification na yon. Bumungad saakin ang mensahe ni Jin.

Park_Shine0428: hey Gab... Are you already asleep? If not... Don't you ever dare to reply and sleep now. You still have classes tomorrow you might be sleepy to your class. Goodnight Gab :)

Mapangiti ako sa loob loob ko dahil don. At dahil don naramdaman ko na lang na unting unti nang pumipikit ang mata ko dahil sa sobrang antok.

Ayan lang pala ang makakapagpatulog saakin eh. :)

Nag labas na ako ng 1/4 na papel para sa short quiz namin ngayon.

Madali lang ang quiz namin dahil kakadiscuss lang ng teacher namin tungkol sa iququiz. Tapos binigyan pa kami ng time para mag review sa lessons kaya alam kong madali lang ang quiz.

Ewan ko na lang sa iba kung hindi pa nila mape-perfect ng quiz sa Science.

Napatingin ako sa unang page ng 1/4 ko dahil may nakasulat dito.

Goodluck to your quiz :)

    -Jin

"Ha!" Mahina kong sabi sa sarili ko at hinawakan ang papel.

Aba, ang lalaking iyon may kutob na may quiz ako? Hahaha iba ka Jin.

"As I expected, miss Salazar got the perfect score."

Abot hanggang tainga ang ngiti ko habang lumalapit kay ma'am para kunin ang papel ko.

"Thank you ma'am." Sabi ko nang makalapit ako.

"Well done, miss Salazar." Nakangiting sabi ni ma'am.

Excited na tuloy ako mag uwian. Gusto ko ipagmalaki kay Jin toh. Matutuwa yon for sure!

Masaya akong lumabas ng room habang bitbit ang papel ko kanina nung quiz. Dismissal naaaaaa!!

Hindi pa ako nakakarating sa gate ay nakita ko ng nagkakagulo ang mga estudyante papuntang labas. Nag uunahan pa sila.

Ano naman nangyayari sa labas aber? May artista para pagkaguluhan?

Agad akong lumabas para makichismis kasi chismosa rin ako.

"Bitawan niyo nga ako! Masyadong feeling to'ng lalaking toh eh!"

"I told you, it's true."

"Fuck you!"

Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Ken na sinuntok ng malakas si Jin.

What the hell?!

"Ken! Tumigil ka nga!" Sigaw ko nang makalapit ako kay Ken at tinulak ito ng paatras.

"Gabriela buti nandiyan ka na..." Hinihingal na sabi ni Ken at pinunasan ang dugo sa gilid  g labi niya.

"Sira ulo ka ba? Nakikipag bugbugan ka dito?!" Galit kong sabi kay Ken.

Jusmiyo buti walang guard ang nakakita o teacher kundi patay talaga si Ken at damay pa si Jin. Nakita ko naman na ang WTF chineck ng maigi si Jin dahil sa sugat niya sa pisngi.

"Gabriela let me explain... That guy is just trying to own you. Sabi niya boyfriend mo siya!" Sabi ni Ken na ikinagulat ko.

Ohh shit... Pati ba naman sa lalaking ito kumalat pa yon?

"Alam mo, tanggap ko pa kung si Jiro ang boyfriend mo eh. Kaso to'ng isang toh masyadong feeling! Sino nga ba toh? Ngayon ko lang yan nakita dito! Grabe Gabriela, isang Koreano pa ang nagkakagusto sayo." Dagdah niya pa.


"I told you, she never had a boyfriend but only me!" Sigaw ni Jin mula sa likod ko.

"Aba aba... Naiintindihan pala ako nitong gago na toh--"

"Ken yang bibig mo." Pagbabanta ko kay Ken kaya umayos siya ng tayo.

"Puwede ba Ken? Tantanan mo na ako---"

"Paano kita tatantanan kung may asungot na lumalapit sayo ha?"

"Ano ba Ken! Wag mo nga siyang tawagin na gago o asungot or what!"

"Bakit ka ba nagagalit Gabriela? Eh totoo naman ah!"

"Dahil boyfriend ko si Jin!"

Napatingin na saamin ang ibang estudyante dahil sa sigawan naming dalawa ni Ken. Sana lamunin na ako ng lupa.

"Hahaha... Ang galing mong mag joke. Nako, magagalit na yung boyfriend mo si Jiro---"

"Hindi ko boyfriend si Jiro at never ko siyang naging boyfriend, Ken."

Napatulala saakin si Ken. Halata sa itsura niya na hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko.

"I should be happy... I should be happy to know na hindi mo naging boyfriend si Jiro..." Mahinahon na sabi ni Ken. "So all this time, palabas lang ang ginawa niyo ni Jiro?"

"Ken, nanliligaw lang si Jiro. At anim na taon na siyang nanliligaw."

"But seven years na akong may gusto sayo."

Napapikit ako ng mariin sa sinabi niya.

"Ken... Hindi ka pa rin nakaka move on? Ano ba, sobrang tagal na!"

"Gabriela alam mo naman na ikaw lang talaga eh--"

"Sorry pero meron na akong Jin ngayon. Sorry kung buong akala mo na boyfriend ko si Jiro before. Mauuna na kami." Pagpapaalam ko at agad na pinuntahan si Jin.

"Ayos ka lang ba---"

Nagulat ako ng bigla niyang hinawi ang kamay ko at nag walk out.

"Yah Jin-ah! Where are you going?!" Sigaw nila Heehul sakanya pero hindi siya pinansin.

Tumakbo naman sila Choi, Lee, ay Heehul sakanya.

Tulala ako sa ginawa niya.

Hinawi niya ba talaga ang kamay ko? For real, si Jin ba talaga ang may gawa non?

"Bakit naging ganon si Jin? Kanina lang he is so excited to go here." Nagtatakang tanong ni Chohuik saamin habag nakatanaw kala Jin na ngayon ay nawala na sa paningin namin.

"Don't know why..." Pagsasagot ni Mini.

Bakit biglang naging ganon si Jin? May mali ba sa ginawa ko o sa sinabi ko?

"Don't worry Gabriela... Kakausapin namin siya for you."

Napatingin ako kay Suna na ngayon ay hinahagod ang likod ko to assure me it's alright.

Tumango tango ako.

Leaving without saying goodbye, huh?

My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon