44
From the real name of Park Shine' na mas nakilala ko sa pangalan na Park Jin. Leader ng isang street dancer sa South Korea na ang pangalan ay WTF. Si Park Shine' na ang tanging pangarap ay maging isang sikat na dancer at singer dahil alam niya sa sarili niya ayon ang para sakanya.
Wala sa pangarap niya na kumilala ng isang babae para ibigin. Pero ang galing naman, dahil kung saan pa siya nagbakasyon, doon niya nakita ang unang babaeng nagpatibok ng puso niya.
I can't believe it. Isang hamak na grade 11 student lang ako tapos sobrang lawak ng pangarap ko na magka-boyfriend na isang Koreano.
Gosh, sa tagal kong nabubuhay sa Kpop world, never kong na-imagine na for real ako ma-iinlove sa isang Koreano. Yes, na-inlove na ako sa Koreano pero bilang isang idol ko.
This is really happening! I'm in love with this name Park Shine' also known as Jin.
Naging kami sa saktong araw kung kelan legal age na ako. Sobrang masaya ako kasi alam ko sa sarili ko, na nasa tamang panahon na dumating ito.
"Uyy!!! Natulala si Gabriela!!" Pang-aasar saakin ni Shina.
Nandito kami ngayon sa sala, nagsasalo salo. Sabi ko nga mag-inuman kami since 18 na ako kaso ayaw ni Jin. Unang una, may pasok daw ako bukas. Pangalawa babae raw ako hindi daw maganda tingnan. At third, ayaw niya raw na umiinom ako ng alcohol drinks.
Unang araw nang pagiging girlfriend niya, over protective na. Haha!
"Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako maka-move on. Na-celebrate ko talaga ang debut kasama kayo." Dire diretso kong sabi habang weird na nakatingin sa buong WTF.
Ang iba sakanila naka-upo sa sahig at ang iba sa upuan. Samantalang ako katabi ko si Jin sa kaliwa at si nanay sa kanan.
Palabas ang lahat. I mean, nag-punta daw talaga sila ng Laguna. Pero isang araw lang at bumalik din sila sa Manila. Tapos, nag post si Jin sa IG na babalik nga sila ng Korea. Yung picture na yon, matagal nang nakuhanan. Nung pumunta pa sila dito sa Pilipinas na picturan yon. Yung manibela naman, sa taxi lang yon nung papuntang Manila sila.
Alam daw kasi nila na stalker ako kaya ginawa nila yon. Alam rin nila na debut ko ngayon kaya sang-ayon ang kanilang schedule sa plano nila for this day.
Guess what? Si nanay alam ang mga pakulong ito. Kaya pala kampante si nanay nung sinabi kong sa Korea sila babalik eh.
Nginitian ako ng mga kumag.
"Kinikilig ka lang kasi kayo na ni dude Jin!" Natatawang sabi ni Heehul saakin.
Medyo namula ako sa sinabi niya. Grabe, iba pala yung feeling na may boyfriend ka na? Malupet non katabi mo pa ngayon. For real, boyfriend ko na siya. At madali para saakin na ipagsigawan na boyfriend ko siya kasi alam ko sa sarili ko na akin na talaga siya.
"C-Che!" Tanging nasabi ko at napayuko. Gosh, nahihiya na ewan ako. Haha! Kashi nemen~ hihihi. Di pa ako sanay!!!
"Your blushing."
Diretso akong tumingin sa mga mata ni Jin at wala sa mata niya na nagtataka or expected kung ano ang nakita niya.
"S-Shut up!" Bulong na sigaw kong sabi sakanya. Kumunot ang noo niya.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend
FanfictionA man from South Korea. Trying to be a true Filipino and he met me. Hello everyone, I want to introduce to you My Boyfriend.