4

7 1 0
                                    

4


Gustong gusto kong iumpog ang sarili ko dahil sa nangyari.

Bakit kasi ako nagsalita pa? Alam ko naman na hindi ko siya masusuyo sa ganon.

Babalik sa dati yan pag hindi ko siya pinansin ng isang araw.

Pero ganon na lang ba lagi? Lagi na lang na aasa ako sa paglipas ng isang araw?

Hayyyy hindi ko na alam ang gagawin ko kay Jiro. Masyado na siyang childish. Hindi ko naman din kaya siyang iwan kasi mahal ko siya.

Pano na ako neto?

Hay buhay.

Tutal may oras pa ako at nakakain na ng lunch, magrereview na lang ako.

Nakakita ako ng nagtitinda ng street foods.

Lumapit ako don at bumili ng kikiam. Bumili rin ako ng kwek kwek.

Grabe na miss ko toh. Ayaw kasi ako pakainin ni Jiro ng ganito, di raw maganda sa katawan.

Hay ewan sakanya, masarap toh wag siya.

Pumuwesto ako sa mga table dito.

Habang kumakain ay nagreview na ako para sa exams namin next week.

----

Makalipas ang isang oras ay natapos ako mag review.

Ayos na ako.

Pero parang hindi naging maganda ang ikot ng mundo ko dahil sa taong nakatayo sa harap ko.

"I told you, wag kang kumain ng street foods." Mahinahon pero seryosong sabi ni Jiro.

"Jiro..." Gulat kong sabi. "Uwian niyo na?"

Akala ko sa lahat ng tao na kilala ko ay ako lang ang may alam na lugar na ito. Pero nandito siya at nakita ako...

"Sino rin may sabi na umalis ka agad kanina?"

Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

Hindi ba't ayaw niya ako makita kanina?

"I'm sorry about what happen a while ago... " pag sorry niya. "I...  I didn't mean it." Parang di makapaniwalang sabi niya .

"Walang relasyon na namamagitan samin ni Ken," panimula ko. "Hindi ko alam kung bakit grabe ka magselos. Alam mo naman na loyal ako sayo. More than years na tayo magkasama but then parang wala ka pa ring tiwala sakin." Pagpapaliwanag ko.

Napayuko naman siya.

"Hindi ko na kaya..." Mahina kong sabi.

"Su-susuko ka na? Iiwan mo na ako?"

Hinawakan ko ang kamay niya at nginitian siya.

"Kahit ganyan ka, ni minsan hindi ko inisip na iwan ka. Dahil mahal na mahal kita Jiro." Sabi ko habang mahigpit na hinawakan ang kamay niya.

"Is it a yes?" Nanginginig niyang sabi.

Natawa naman ako. Porket ganito ako sakanya umo-oo na ako sakanya?

"Sira ka talaga! Saka na yan." Sabi ko at naupo ulet sa upuan.

"By the way, what your doing in this kind of place?"

Natahimik naman ako sa tanong niya.

Isa sa dahilan kung bakit ako nandito ay dahil sa father ko.

Naalala ko nung 5 years old ako lagi kami nag papalipad ng saranggola dito ni papa. Tapos kakain kami kung ano ang matripan.

Kaso... Nung 5 years old ako namatay si papa.


Never akong umiyak sa kahit kanino nung namatay si papa. Lagi ko kasing tinatak sa isip ko na... 'I should be strong for my father'

"Huy!" Biglang sabi ni Jiro. "I'm asking you. "

"Ay sorry ha," mataray kong sabi. "Ikaw kasi yung iniintay ko dito." Sabi ko na lang

"Wow naman, pano mo naman nalaman na pupunta ako dito?"

"Kasi alam ko, kung mahal mo ang isang tao alam mo kung saan siya puwedeng pumunta."

"Edi shing." Tanging sabi ni Jiro.

Nagkuwentuhan lang kami ni Jiro don ng kung ano ano. Nagkapatawaran din kami sa isa't isa.

-----

bts_shellane_bighit replied on your comment to YouTube

Gabi na naman at oras na para sa kpop world! Hahahaha.

Pagka bukas ko pa lang ng wifi eto na agad ang bumungad sakin. Ano naman ang cinomment ko sa youtube aber?

Pinindot ko ang notification at tiningnan kung ano nga yon.

Me: can someone tell me who's that guy wearing a mask?

bts_shellane_bighit replied: he is Park Shine' he also have his instragran account @shine_park

Sa sobra kong curious kay Park Shine' na yan ay agad ko siyang sinearch sa IG.

Loading....

Loading....

.......

O_O

WTF















ANG GWAPO NIYA MGA BES.

MAS GWAPO PA SIYA KAY JIRO PUCHA.

Inistlak ko siya ng inistlak.

Napansin ko na ang dami niyang followers. Naka 16k followers siya. Samantalang 0 ang following.

Wow ha, eto yung gawain ng mga pa peym eh.

Grabe ni isa wala talaga siyang finofollow? Ano, G-Dragon lang ang peg?

Idol ata ng grupo niya yung BTS. Puro BTS songs ang mga cinocover nilang sayaw.

Laging sakanya naka close up yung camera.

Emegeshhhh mga bes kinikilig ako sakanya.

Tulad ng naging kagawian ko, chinat ko siya. Magbabakasakali na mag reply. Hihihi.

Me: annyeonghasayo oppa!
Me: oppa?
Me: hellooooo

Natawa na lang ako sa sarili ko.

Imposible naman na mag reply siya. He didn't even know me.

Mamaya pagka malanan akong 'strangers'

I saved some photos of him. Ang gwapo niya talagaaaa.

Ang kyot din ng eyes niya ^_^

May gf na kaya toh? Sa sobrang gwapo niya paniguradong may gf toh.

Habang iniiscroll ko toh napatingin ako sa isang group photo ng grupo niya.

OMAYGASH SI RAPMON BA YON?!

Mga bes hawig niya si Rapmonnnnnnn. Ang kyot naman ng second version ni Rapmon.

Hayyyyy nakakita nanaman ng gwapo.

My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon