28
Nanginginig ako na nakatayo dito malapit sa stage dahil sa huling sinabi ni Jin.
Para kanina yon? Nandito ba talaga yung babaeng gusto niya? Hindi ba siya gusto ng babaeng gusto niya? Bakit? Sino ba siya? Kailan pa sila magkakilala? Bakit hindi ko ito alam? Kailan pa niya nilihim ang bagay na ito saakin? Wala ba siyang tiwala saakin? Ayaw na ba niya ako makasama kaya ibang babae na ang gusto niya?
Hindi ko alam kung bakit yan ang mga tanong na lumabas sa isip ko. Nakakaputa yung mga tanong ko sa isip ko seriously.
Hindi ko na kinaya tumayo don dahil pakiramdam ko dapat hindi ako nararapat doon.
Paanong naging dedicated saakin ang kanta? Sakin nga ba o dun sa gustong babae ni Jin?
I was about to walk away when I heard that voice.
"Didn't I said, don't go anywhere?"
Dahan dahan ko itong nilingon. Hawak hawak niya ang gitara niya at nakita kong halatang kinukuha ng iba niyang kaibigan ang atensyon ng mga tao sakanila. Para bang kaming dalawa na lang ang natira malapit dito sa stage.
"Hindi ko alam na may gusto kang babae..." Panimula ko.
Nakita ko na dahan dahan itong ngumiti dahil siguro sa sinabi ko. Wow, ano natutuwa ka na hindi mo sinabi ang bagay na ito saakin?
Ang sakit.
"Y-Yeah---"
"At ngayon mo lang sinabi saakin ito?" Medyo seryoso kong sabi. Napayuko naman ito.
"I'm afraid..."
"Natatakot ka?" Hindi ko makapaniwalang sabi. "Hindi ba't mas nakakatakot na mawalan ng kaibigan?" Medyo diniin ko ang word na kaibigan.
Akala mo natutuwa ako sayo ha Jin?! Utot mo!
"Jin kaya mo nga ako naging b-best friend eh..." Nanginginig kong sabi. "Diba no secrets? Pero lumabag ka---"
"Okay fine," Pagputol niya saakin.
"To tell you honestly I'm really afraid to tell you this. I might lost our friendship ---"
"Pero nangyari na!" Hindi ko maiwasan at napasigaw na.
Buong akala niya mawawalan siya ng isang kaibigan dahil lang sa ibang babae? Wow.
"We lost our friendship... Because you didn't tell me your fucking secret." Madiin kong sabi at tatalikuran sana siya ng hawakan niya ang braso ko.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend
ФанфикA man from South Korea. Trying to be a true Filipino and he met me. Hello everyone, I want to introduce to you My Boyfriend.