25
Ilang minuto na ang lumipas pero parang walang nangyari kanina. Si Jin kasi, kanina pa daldal ng daldal.Alam mo yung kahit hindi ka intersado sa kinukuwento ng isang tao tapos siya tuloy pa rin ng tuloy.
"Pabili po!"
"Ano yon?" Tanong ko at lumapit sa harap dahil may bumibili.
"Malboro nga po."
"Sorry pero hindi kami nagbebenta ng sigarilyo." Sabi ko dito at umupo ulit.
"Woah, your not selling cigarettes?" Gulat na tanong ni Jin saakin.
"Narinig mo naman siguro yung sinabi ko dun sa manong diba?" Mataray kong sagot.
"Okay chill. Your head is so hot." Natatawa niyang sabi.
Natawa na lang ako dahil gusto niya talaga ako pangitiin.
Hindi naman ako tanga para hindi mapansin na iniiwasan niya saakin ang usapan na bakit biglang sumulpot si Jiro out of nowhere. Hindi rin ako bulag para hindi makita kung paano siya mag-effort para pangitiin ako.
"I miss my family..."
Napatingin ako kay Jin dahil sa sinabi niya.
Alam ko na may problema silang pamilya pero para kay Jin wala siyang pake.
Pero ngayon namimiss niya ang pamilya niya.
Gusto ko ang mga tao na tulad ni Jin. Susundan nila ang pangarap nila.
"Syempre isang buwan mo na silang hindi nakikita." Sabi ko dito at nag cross arm.
Napatango tango siya na parang sang ayon sa sinabi ko.
"Gusto mo talaga maging isang singer?" Biglang tanong ko.
"Uhh yeah."
"Sa lahat bakit singer pa ang nagustuhan mo?"
"Is this a interview?" Natatawa niyang tanong na ikinatawa ko rin.
"Sagutin mo na lang!" Sabi ko dito.
"Umm... Some words can't say it directly. I want to express my words with feelings, through singing." Sagot niya na ikinatango ko.
"At the same time... Gusto mo sarili lyrics mo pag nagka album ka?" Tanong ko pa.
"Of course. Since it's my own album, I want to feel that it's really from me. From my ideas and effort. I want to work on my own album without anyone else."
Napangii ako sa sagot niya.
"Eh ano o sino ang mga nagtutulak sayo para maging isang singer? I mean yung parang nagkakaroon ka ng hope para ipagpatuloy mo yan."
"Your one of them, Miss Gabriela."
Natahimik ako sa sinabi niya. Isa ako sa mga tao na nagtutulak sakanya bilang isang singer?
"Your one of them who give me strength to continue what I want."
Titig na titig siya saakin at konti na lang ata matutunaw na ako sa titig niya.
"C-Coz your my bestfriend."
Bigla ako nabuhayan sa sinabi niya.
Hays kung ano ano siguro naiisip ko kaya ako nagkakaganito. Ikaw kasi Gabriela, kung ano ano iniisip mo na hindi dapat eh.
"Basta ako nandito ako para sayo." Sabi ko dito at kinindatan toh. "Para sainyo ng WTF." Duktong ko at nginitian ng sobrang tamis.
"Thanks." Sabi niya at nakipag apir pa.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend
FanfictionA man from South Korea. Trying to be a true Filipino and he met me. Hello everyone, I want to introduce to you My Boyfriend.